< Mga Colosas 3 >

1 Kung itinaas kayo ng Diyos na kasama ni Cristo, hanapin ninyo ang mga bagay na nasa itaas, kung saan nakaupo si Cristo sa kanang kamay ng Diyos.
ει ουν συνηγερθητε τω χριστω τα ανω ζητειτε ου ο χριστος εστιν εν δεξια του θεου καθημενος
2 Isipin ninyo ang tungkol sa mga bagay na nasa itaas, at hindi tungkol sa mga bagay sa lupa.
τα ανω φρονειτε μη τα επι της γης
3 Sapagkat namatay kayo at itinago ang inyong buhay kasama ni Cristo sa Diyos.
απεθανετε γαρ και η ζωη υμων κεκρυπται συν τω χριστω εν τω θεω
4 Kapag nagpakita si Cristo na siya ninyong buhay, makikita rin kayong kasama niya sa kaluwalhatian.
οταν ο χριστος φανερωθη η ζωη ημων τοτε και υμεις συν αυτω φανερωθησεσθε εν δοξη
5 patayin ninyo ang mga bahagi na nasa mundo—pagnanasa sa laman, karumihan, matinding damdamin, masamang pagnanasa, at kasakiman, na pawang pagsamba sa diyus-diyosan.
νεκρωσατε ουν τα μελη υμων τα επι της γης πορνειαν ακαθαρσιαν παθος επιθυμιαν κακην και την πλεονεξιαν ητις εστιν ειδωλολατρια
6 Para sa mga bagay na ito kaya ang poot ng Diyos ay darating sa mga anak ng pagsuway.
δι α ερχεται η οργη του θεου επι τους υιους της απειθειας
7 Sa mga bagay na ito na minsan rin ninyong nilakaran ng namuhay kayo sa mga ito.
εν οις και υμεις περιεπατησατε ποτε οτε εζητε εν αυτοις
8 Ngunit ngayon dapat ninyong alisin ang lahat ng mga bagay na ito—poot, galit, mga masasamang layunin, mga pang-aalipusta at malaswang pananalita mula sa inyong bibig.
νυνι δε αποθεσθε και υμεις τα παντα οργην θυμον κακιαν βλασφημιαν αισχρολογιαν εκ του στοματος υμων
9 Huwag kayong magsinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang lumang pagkatao kasama ang mga kaugalian nito.
μη ψευδεσθε εις αλληλους απεκδυσαμενοι τον παλαιον ανθρωπον συν ταις πραξεσιν αυτου
10 Isinuot na ninyo ang bagong pagkatao na binago sa kaalamang naaayon sa larawan ng lumikha sa kaniya.
και ενδυσαμενοι τον νεον τον ανακαινουμενον εις επιγνωσιν κατ εικονα του κτισαντος αυτον
11 Sa kaalamang ito, walang Griyego at Judio, tuli at di-tuli, barbaro, Scythian, alipin, malayang tao, ngunit sa halip si Cristo ang lahat ng mga bagay at sa lahat ng mga bagay.
οπου ουκ ενι ελλην και ιουδαιος περιτομη και ακροβυστια βαρβαρος σκυθης δουλος ελευθερος αλλα τα παντα και εν πασιν χριστος
12 Kaya nga, taglayin ninyo, bilang mga pinili ng Diyos, banal at minamahal, mga daluyan ng awa, kabaitan, kapakumbabaan, kaamuhan at katiyagaan.
ενδυσασθε ουν ως εκλεκτοι του θεου αγιοι και ηγαπημενοι σπλαγχνα οικτιρμου χρηστοτητα ταπεινοφροσυνην πραοτητα μακροθυμιαν
13 Magtiyaga sa bawat isa. Maging maawain sa bawat isa. Kung ang isa ay may hinaing laban sa isa pa, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.
ανεχομενοι αλληλων και χαριζομενοι εαυτοις εαν τις προς τινα εχη μομφην καθως και ο χριστος εχαρισατο υμιν ουτως και υμεις
14 Higit sa lahat ng mga bagay na ito, magkaroon kayo ng pag-ibig na siyang bigkis ng pagiging isang ganap.
επι πασιν δε τουτοις την αγαπην ητις εστιν συνδεσμος της τελειοτητος
15 Hayaang maghari sa inyong mga puso ang kapayapaan ni Cristo. Para sa kapayapaang ito kaya tinawag kayo sa iisang katawan. Maging mapagpasalamat kayo.
και η ειρηνη του θεου βραβευετω εν ταις καρδιαις υμων εις ην και εκληθητε εν ενι σωματι και ευχαριστοι γινεσθε
16 Hayaang mamuhay ang salita ni Cristo ng masagana sa inyo. Buong karunungang turuan at pagsabihan ninyo ang isa't isa sa pamamagitan ng salmo at himno, at mga awiting espiritwal. Umawit kayo ng may pasasalamat sa inyong mga puso para sa Diyos.
ο λογος του χριστου ενοικειτω εν υμιν πλουσιως εν παση σοφια διδασκοντες και νουθετουντες εαυτους ψαλμοις και υμνοις και ωδαις πνευματικαις εν χαριτι αδοντες εν τη καρδια υμων τω κυριω
17 At anuman ang inyong ginagawa sa salita man o sa gawa, gawin ninyo ang lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus. Magpasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.
και παν ο τι αν ποιητε εν λογω η εν εργω παντα εν ονοματι κυριου ιησου ευχαριστουντες τω θεω και πατρι δι αυτου
18 Mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyong mga asawa, dahil ito ang nararapat sa Panginoon.
αι γυναικες υποτασσεσθε τοις ιδιοις ανδρασιν ως ανηκεν εν κυριω
19 Mga asawang lalaki, mahalin ninyo ang inyong mga asawa at huwag maging malupit laban sa kanila.
οι ανδρες αγαπατε τας γυναικας και μη πικραινεσθε προς αυτας
20 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat nakalulugod ito sa Panginoon.
τα τεκνα υπακουετε τοις γονευσιν κατα παντα τουτο γαρ εστιν ευαρεστον εν κυριω
21 Mga ama, huwag ninyong labis na pagalitan ang inyong mga anak, upang hindi sila panghinaan ng loob.
οι πατερες μη ερεθιζετε τα τεκνα υμων ινα μη αθυμωσιν
22 Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo ayon sa laman sa lahat ng mga bagay, hindi lamang kapag may nakakakita upang magbigay lugod sa mga tao, ngunit nang may tapat na puso. Matakot kayo sa Panginoon.
οι δουλοι υπακουετε κατα παντα τοις κατα σαρκα κυριοις μη εν οφθαλμοδουλιαις ως ανθρωπαρεσκοι αλλ εν απλοτητι καρδιας φοβουμενοι τον θεον
23 Anuman ang inyong ginagawa, gumawa kayo mula sa kaluluwa na para sa Panginoon at hindi para sa mga tao.
και παν ο τι εαν ποιητε εκ ψυχης εργαζεσθε ως τω κυριω και ουκ ανθρωποις
24 Nalalaman ninyong tatangap kayo mula sa Panginoon ng gantimpala ng pagkamit nito. Ito ay ang Cristong Panginoon na inyong pinaglilingkuran.
ειδοτες οτι απο κυριου ληψεσθε την ανταποδοσιν της κληρονομιας τω γαρ κυριω χριστω δουλευετε
25 Sapagkat sinumang gumawa ng hindi matuwid ay tatanggap ng kabayaran para sa hindi matuwid na kaniyang ginawa at wala ditong pinapanigan.
ο δε αδικων κομιειται ο ηδικησεν και ουκ εστιν προσωποληψια

< Mga Colosas 3 >