< 2 Samuel 3 >

1 Ngayon ay mayroong isang mahabang digmaan sa pagitan ng tahanan ni Saul at ng tahanan ni David. Patuloy na lumalakas ng lumakas si David pero ang tahanan ni Saul ay patuloy na humihina ng humihina.
사울의 집과 다윗의 집 사이에 전쟁이 오래매 다윗은 점점 강하여 가고 사울의 집은 점점 약하여 가니라
2 Ang mga anak na lalaki ay ipinanganak kay David sa Hebron. Ang kaniyang panganay ay si Amnon, kay Anihoam mula sa Jezreel.
다윗이 헤브론에서 아들들을 낳았으되 맏아들은 암논이라 이스르엘여인 아히노암의 소생이요
3 Ang kaniyang pangalawang anak, ay si Quileb, ay ipinanganak kay Abigail, ang biyuda ni Nabal mula sa Carmel. Ang pangatlo, ay si Absalom, anak ni Maaca, anak na babae ni Talmai, hari ng Gesur.
둘째는 길르압이라 갈멜 사람 나발의 아내 되었던 아비가일의 소생이요 세째는 압살롬이라 그술 왕 달매의 딸 마아가의 아들이요
4 Si Adonias, ang ikaapat na anak na lalaki ni David, na anak na lalaki ni Haggit. Ang ikalima ay si Sheftias, anak na lalaki ni Abital,
네째는 아도니야라 학깃의 아들이요 다섯째는 스바댜라 아비달의 아들이요
5 at ang ika-anim, si Itream, anak na lalaki ng asawa ni David na si Egla. Ang mga anak na lalaki na to ay ipinanganak kay David sa Hebron.
여섯째는 이드르암이라 다윗의 아내 에글라의 소생이니 이는 다윗이 헤브론에서 낳은 자들이더라
6 Nangyari ito sa panahon ng digmaan sa pagitan sa tahanan ni Saul at sa tahanan ni David na si Abner ay nagawang palakasin ang tahanan ni Saul.
사울의 집과 다윗의 집 사이에 전쟁이 있는 동안에 아브넬이 사울의 집에서 점점 권세를 잡으니라
7 May isang kerida si Saul na ang pangalan ay Rizpa, ang anak na babae ni Aya. Sinabi ni Isobet kay Abner, “Bakit mo sinipingan ang kerida ng aking ama?”
사울에게 첩이 있었으니 이름은 리스바요 아야의 딸이더라 이스보셋이 아브넬에게 이르되 `네가 어찌하여 내 아버지의 첩을 통간하였느냐?'
8 Pagkatapos si Abner ay galit na galit sa mga salita ni Isobet at sinabi, “Ako ba ay ulo ng aso na pag-aari ng Juda? Sa araw na ito ay ipinapakita ko ang katapatan sa tahanan ni Saul, ang iyong ama, sa kaniyang mga kapatid na lalaki, at sa kaniyang mga kaibigan sa hindi ko pagbibigay sa iyo sa kamay ni David. At ngayon pinaparatangan mo ako sa araw na ito tungkol sa babaeng ito.
아브넬이 이스보셋의 말을 매우 분히 여겨 가로되 `내가 유다의 개 대강이뇨 내가 오늘날 당신의 아버지 사울의 집과 그 형제와 그 친구에게 은혜를 베풀어서 당신을 다윗의 손에 내어주지 아니하였거늘 당신이 오늘날 이 여인에게 관한 허물을 내게 돌리는도다
9 Nawa gawin sa akin ng Diyos, Abner, at mas masama pa, kung hindi ko gagawin para kay David ang gaya ng ipinangako ni Yahweh sa kaniya,
여호와께서 다윗에게 맹세하신 대로 내가 이루게 아니하면 하나님이 아브넬에게 벌 위에 벌을 내리심이 마땅하니라
10 na ilipat ang kaharian mula sa tahanan ni Saul at itayo ang trono ni David sa buong Israel at sa buong Juda, mula Dan hanggang Beerseba.”
그 맹세는 곧 이 나라를 사울의 집에서 다윗에게 옮겨서 그 위를 단에서 브엘세바까지 이스라엘과 유다에 세우리라 하신 것이니라' 하매
11 Hindi makasagot si Isobet kay Abner ng iba pang salita, dahil natakot siya sa kaniya.
이스보셋이 아브넬을 두려워하여 감히 한 말도 대답지 못하니라
12 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si Abner kay David, para kausapin siya sa pagsasabing, “Kaninong lupa ito?” Gumawa ka ng isang kasunduan sa akin, at makikita mo na ang aking kamay ay nasa iyo, dalhin ang buong Israel sa iyo.”
아브넬이 자기를 대신하여 사자들을 다윗에게 보내어 가로되 `이 땅이 뉘 것이니이까' 또 가로되 `당신은 나로 더불어 언약하사이다 내 손이 당신을 도와 온 이스라엘로 당신에게 돌아가게 하리이다'
13 Sumagot si David, “Mabuti, gagawa ako ng isang kasunduan sa iyo. Pero isang bagay ang hihingin ko mula sa iyo na hindi mo makikita ang aking mukha maliban na dalhin mo muna si Mical, ang anak na babae ni Saul, kapag nakipagkita ka sa akin.”
다윗이 가로되 `좋다 내가 너와 언약하려니와 내가 네게 한가지 일을 요구하노니 나를 보러 올 때에 위선 사울의 딸 미갈을 데리고 오라 그렇지 않으면 내 얼굴을 보지 못하리라' 하고
14 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si David kay Isobet, anak na lalaki ni Saul, na nagsasabing, “Ibigay mo sa akin ang aking asawa na si Mical, na aking binayaran na nagkakahalaga ng isangdaang balat ng mga taga-Filisteo.”
사울의 아들 이스보셋에게 사자들을 보내어 이르되 `내 처 미갈을 내게로 돌리라 저는 내가 전에 블레셋 사람의 양피 일백으로 정혼한 자니라'
15 Kaya ipinakuha ni Isobet si Mical at kinuha siya sa kaniyang asawa, na si Patiel anak na lalaki ni Lais.
이스보셋이 보내어 그 남편 라이스의 아들 발디엘에게서 취하매
16 Sumama ang kaniyang asawa sa kaniya, umiiyak habang papaalis, at sinundan siya sa Bahurim. Pagkatapos sinabi ni Abner sa kaniya, “Bumalik sa bahay mo ngayon.” Kaya nagbalik siya.
그 남편이 저와 함께 오되 울며 바후림까지 따라 왔더니 아브넬이 저에게 돌아가라 하매 돌아가니라
17 Kinausap ni Abner ang mga nakatatanda sa Israel sa pagsasabing, “Nang nakaraan sinusubukan ninyo na mag hari si David sa inyo.
아브넬이 이스라엘 장로들에게 말하여 가로되 `너희가 여러번 다윗으로 너희 임금 삼기를 구하였으니
18 Ngayon gawin ito. Dahil nakipag-usap si Yahweh kay David sinasabing, 'Sa pamamagitan ng kamay ng aking lingkod na si David ililigtas ko ang aking mga tao ang Israel mula sa kapangyarihan ng mga Filisteo at sa lahat ng kanilang mga kaaway.””
이제 그대로 하라 여호와께서 이미 다윗에 대하여 말씀하시기를 내가 내 종 다윗의 손으로 내 백성 이스라엘을 구원하여 블레셋 사람의 손과 모든 대적의 손에서 벗어나게 하리라 하셨음이니라' 하고
19 Kinausap din mismo ni Abner ang bayan ng Benjamin. Pagkatapos pumunta rin si Abner upang makipag-usap kay David sa Hebron para ipaliwanag ang lahat ng bagay na ninanais ng Israel at ng buong sambahayan ni Benjamin na nais tapusin.
아브넬이 또 베냐민 사람의 귀에 말하고 이스라엘과 베냐민의 온 집이 선히 여기는 모든 것을 다윗의 귀에 고하려고 헤브론으로 가니라
20 Nang dumating sa Hebron si Abner at ang dalawampu sa kaniyang mga tauhan para makipagkita kay David, naghanda si David ng isang piging para sa kanila.
아브넬이 종자 이십인으로 더불어 헤브론에 이르러 다윗에게 나아가니 다윗이 아브넬과 그 함께 한 사람을 위하여 잔치를 배설하였더라
21 Ipinaliwanag ni Abner kay David, “Ako ay aalis at titipunin ang buong Israel para sa iyo, aking panginoon ang hari, nang sa gayon gagawa sila ng isang kasunduan sa iyo, nang sa gayon maaari kang maghari sa lahat ng nanaisin mo.” Kaya pinaalis ni David si Abner, at umalis si Abner ng may kapayapaan.
아브넬이 다윗에게 고하되 `내가 일어나 가서 온 이스라엘 무리를 내 주 왕의 앞에 모아 더불어 언약하게 하고 마음의 원하시는 대로 모든 것을 다스리시게 하리이다' 이에 다윗이 아브넬을 보내매 저가 평안히 가니라
22 Pagkatapos dumating ang mga sundalo ni David at Joab galing sa pagsalakay at may dalang maraming mga bagay na kanilang nakuha sa panloloob. Pero si Abner ay hindi kasama ni David sa Hebron. Pinaalis siya ni David, at umalis si Abner ng may kapayapaan.
다윗의 신복들과 요압이 적군을 치고 크게 노략한 물건을 가지고 돌아오니 아브넬은 이미 보냄을 받아 평안히 갔고 다윗과 함께 헤브론에 있지 아니한 때라
23 Nang si Joab at lahat ng hukbo na kasama niya ay dumating, sinabi nila kay Joab, “Si Abner anak na lalaki ni Ner ay nagpunta sa hari, at ang hari ay pinaalis na siya, at umalis si Abner ng may kapayapaan.”
요압과 그 함께 한 모든 군사가 돌아오매 혹이 요압에게 고하여 가로되 `넬의 아들 아브넬이 왕에게 왔더니 왕이 보내매 저가 평안히 갔나이다'
24 Pagkatapos pumunta si Joab sa hari at sinabi, “Ano ang ginawa mo? Tingnan mo, pumunta si Abner sa iyo! Bakit mo siya pinaalis, at siya ay nakaalis na?
요압이 왕에게 나아가 가로되 `어찌 하심이니이까? 아브넬이 왕에게 나아왔거늘 어찌하여 저를 보내어 잘 가게 하셨나이까?
25 Hindi mo ba alam na pumunta si Abner anak na lalaki ni Ner para lokohin ka, at alamin ang iyong mga plano at malaman ang lahat ng bagay na gagawin mo?”
왕도 아시려니와 넬의 아들 아브넬의 온 것은 왕을 속임이라 왕의 출입하는 것을 알고 모든 하시는 것을 알려 함이니이다' 하고
26 Nang iniwan ni Joab si David, nagpadala siya ng mga mensahero kay Abner, at dinala siya pabalik mula sa balon ng Sira, pero hindi alam ito ni David.
이에 다윗에게서 나와서 사자들을 보내어 아브넬을 쫓아가게 하였더니 시라 우물가에서 저를 데리고 돌아왔으나 다윗은 알지 못하였더라
27 Nang makabalik si Abner sa Hebron, dinala siya ni Joab sa isang tabi sa gitna ng tarangkahan para kausapin siya ng tahimik. Doon sinaksak siya ni Joab sa tiyan at pinatay siya. Sa ganitong paraan, naipaghiganti ni Joab ang dugo ni Asahel na kaniyang kapatid na lalaki.
아브넬이 헤브론으로 돌아오매 요압이 더불어 종용히 말하려는 듯이 저를 데리고 성문으로 들어가서 거기서 배를 찔러 죽이니 이는 자기의 동생 아사헬의 피를 인함이더라
28 Nang marinig ni David ang tungkol dito, sinabi niya, “Ako at ang aking kaharian ay inosente sa harapan ni Yahweh magpakailanman hinggil sa dugo ni Abner anak na lalaki ni Ner.
그 후에 다윗이 듣고 이르되 `넬의 아들 아브넬의 피에 대하여 나와 내 나라는 여호와 앞에 영원히 무죄하니
29 Hayaan ang kasalanan sa pagkamatay ni Abner ay bumagsak sa ulo ni Joab at sa lahat ng sambahayan ng kaniyang ama. Nawa'y hindi ito maalis sa pamilya ni Joab isang tao na mayroong tumutulong sugat o sakit sa balat o isang pilay at dapat lumakad na mayroong isang tungkod o pinatay sa pamamagitan ng espada o umaalis na walang pagkain.
그 죄가 요압의 머리와 그 아비의 온 집으로 돌아갈지어다 또 요압의 집에서 백탁병자나 문둥병자나 지팡이를 의지하는 자나 칼에 죽는 자나 양식이 핍절한 자가 끊어지지 아니할지로다' 하니라
30 Kaya si Joab at Abisai ang kaniyang kapatid na lalaki ay pinatay si Abner, dahil pinatay niya sa labanan ang kanilang kapatid na lalaki na si Asahel sa Gibeon.
요압과 그 동생 아비새가 아브넬을 죽인 것은 저가 기브온 전쟁에서 자기 동생 아사헬을 죽인 까닭이었더라
31 Sinabi ni David kay Joab at sa lahat ng tao na kasama niya, “Punitin ninyo ang inyong mga damit, maglagay ng telang magaspang, at manangis sa harapan ng bangkay ni Abner.” At si Haring David ay lumakad sa likod ng bangkay sa paghahatid sa libingan.
다윗이 요압과 및 자기와 함께 있는 모든 백성에게 이르되 `너희는 옷을 찢고 굵은 베를 띠고 아브넬 앞에서 애통하라' 하니라 다윗 왕이 상여를 따라 가서
32 Inilibing nila si Abner sa Hebron. Umiyak ang hari at nanangis ng malakas sa puntod ni Abner, at lahat din ng tao ay nag iyakan.
아브넬을 헤브론에 장사하고 아브넬의 무덤에서 소리를 높여 울고 백성도 다 우니라
33 Ang hari ay nanangis para kay Abner, at umawit. “Kailangan bang mamatay ni Abner gaya sa pagkamatay ng isang mangmang?
왕이 아브넬을 위하여 애가를 지어 가로되 `아브넬의 죽음이 어찌하여 미련한 자의 죽음 같은고
34 Ang iyong mga kamay ay hindi nakatali. Ang iyong mga paa ay hindi nakakadena. habang ang isang lalaki ay bumabagsak sa harapan ng mga anak na lalaki ng walang hustisya, kaya ikaw ay bumagsak. “Muli ang lahat ng tao ay nagsiiyakan sa kaniya.
네 손이 결박되지 아니하였고 네 발이 착고에 채이지 아니하였거늘 불의한 자식의 앞에 엎드러짐 같이 네가 엎드러졌도다' 하매 온 백성이 다시 그를 슬퍼하여 우니라
35 Lumapit ang lahat ng tao kay David para pakainin habang may araw pa, pero nangako si David, “Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at ng mas matindi pa, kung titikim ako ng tinapay o anumang bagay bago lumubog ang araw.”
석양에 뭇 백성이 나아와 다윗에게 음식을 권하니 다윗이 맹세하여 가로되 `내가 해지기 전에 떡이나 다른 것을 맛보면 하나님이 내게 벌 위에 벌을 내리심이 마땅하니라' 하매
36 Kaya napansin ng lahat ng tao ang pighati ni David, at nalugod sila, gaya ng ginawa ng hari na nakalulugod sa kanila.
온 백성이 보고 기뻐하며 왕이 무슨 일을 하든지 무리가 다 기뻐하므로
37 Kaya naintindihan ng lahat ng tao at ng buong Israel nang araw na iyon na hindi ito nais ng hari na patayin si Abner anak na lalaki ni Ner.
이 날에야 온 백성과 온 이스라엘이 넬의 아들 아브넬을 죽인 것이 왕의 한 바가 아닌 줄을 아니라
38 Sinabi ng hari sa kanyang mga lingkod, “Hindi ba ninyo alam na isang prinsipe at dakilang lalaki ang bumagsak sa araw na ito sa Israel?
왕이 그 신복에게 이르되 `오늘 이스라엘의 방백이요 또는 대인이 죽은 것을 알지 못하느냐?
39 At ako ay mahina sa araw na ito, kahit na ako ang nahirang na hari. ang mga kalalakihang ito, ang anak na lalaki ni Zeruias, ay napakalupit para sa akin. Nawa'y si Yahweh ang magbayad sa masamang tao, sa pamamagitan ng pagpaparusa sa kaniya para sa kaniyang kasamaan, gaya ng nararapat sa kaniya.”
내가 기름 부음을 받은 왕이 되었으나 오늘날 약하여서 스루야의 아들인 이 사람들을 제어하기가 너무 어려우니 여호와는 악행한 자에게 그 악한대로 갚으실지로다' 하니라

< 2 Samuel 3 >