< 2 Mga Corinto 10 >

1 Ako ngang si Pablo ay namamanhik sa inyo alangalang sa kaamuang-loob at kapakumbabaan ni Cristo, ako na sa harapan ninyo ay mapagpakumbaba sa gitna ninyo, nguni't ako'y lubhang malakas ang loob kung wala sa harapan ninyo:
Now, I, Paul, make a personal appeal to you by the meekness and gentleness of the Christ — I who, “in your presence, am humble in my bearing towards you, but, when absent, am bold in my language to you” —
2 Oo, ako'y namamanhik sa inyo, upang kung ako'y nahaharap ay huwag akong magpakita ng katapangang may pagkakatiwala na ipinasiya kong ipagmatapang laban sa ilang nagiisip sa amin, na waring kami ay nagsisilakad ng ayon sa laman.
I implore you not to drive me to “show my boldness,” when I do come, by the confident tone which I expect to have to adopt towards some of you, who are expecting to find us influenced in our conduct by earthly motives.
3 Sapagka't bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman.
For, though we live an earthly life, we do not wage an earthly war.
4 (Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);
The weapons for our warfare are not earthly, but, under God, are powerful enough to pull down strongholds.
5 Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo;
We are engaged in confuting arguments and pulling down every barrier raised against the knowledge of God. We are taking captive every hostile thought, to bring it into submission to the Christ,
6 At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway, kung maganap na ang inyong pagtalima.
and are fully prepared to punish every act of rebellion, when once your submission is complete.
7 Minamasdan ninyo ang mga bagay na nahaharap sa inyong mukha. Kung ang sinoman ay mayroong pagkakatiwala sa kaniyang sarili na siya'y kay Cristo, ay muling dilidilihin ito sa kaniyang sarili na, kung paanong siya'y kay Cristo, kami naman ay gayon din.
You look at the outward appearance of things! Let any one, who is confident that he belongs to Christ, reflect, for himself, again upon the fact — that we belong to Christ no less than he does.
8 Sapagka't bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya.
Even if I boast extravagantly about our authority — which the Lord gave us for building up your faith and not for overthrowing it — still I have no reason to be ashamed.
9 Upang huwag akong wari'y ibig ko kayong pangilabutin sa takot sa aking mga sulat.
I say this, that it may not seem as if I were trying to overawe you by my letters.
10 Sapagka't, sinasabi nila, Ang kaniyang mga sulat, ay malaman at mabisa; datapuwa't ang anyo ng kaniyang katawan ay mahina, at ang kaniyang pananalita ay walang kabuluhan.
For people say “His letters are impressive and vigorous, but his personal appearance is insignificant and his speaking contemptible.”
11 Bayaang isipin ng isang gayon ito, na, kung ano kami sa pananalita sa mga sulat pagka kami ay wala sa harapan, ay gayon din kami naman sa gawa pagka kami ay nahaharap.
Let such a man be assured of this — that our words in our letters show us to be, when absent, just what our deeds will show us to be, when present.
12 Sapagka't hindi kami nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanilang sarili: nguni't sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanila rin, at kanilang itinutulad ang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa.
We have not indeed the audacity to class or compare ourselves with some of those who indulge in self-commendation! But, when such persons measure themselves by themselves, and compare themselves with themselves, they show a want of wisdom.
13 Datapuwa't hindi naman ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, kundi ayon sa sukat ng hangganang sa amin ay ipinamamahagi ng Dios, na gaya ng sukat, upang umabot hanggang sa inyo.
We, however, will not give way to unlimited boasting, but will confine ourselves to the limits of the sphere to which God limited us, when he permitted us to come as far as Corinth.
14 Sapagka't hindi kami nagsisilagpas ng higit, na waring hindi na namin kayo aabutin: sapagka't hanggang sa inyo naman ay nagsirating kami sa evangelio ni Cristo:
For it is not the case, as it would be if we were not in the habit of coming to you, that we are exceeding our bounds! Why, we were the very first to reach you with the Good News of the Christ!
15 Na hindi namin ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, sa makatuwid baga'y ang mga gawa ng ibang mga tao; kundi yamang may pagasa, na ayon sa paglago ng inyong pananampalataya, kami'y pupurihin sa inyo ayon sa aming hangganan sa lalong kasaganaan,
Our boasting, therefore, is not unlimited, nor does it extend to the labours of others; but our hope is that, as your faith grows, our influence among you may be very greatly increased — though still confined to our sphere —
16 Upang ipangaral ang evangelio sa mga dako pa roon ng lupain ninyo, at huwag kaming mangagmapuri sa hangganan ng iba tungkol sa mga bagay na nangahahanda na sa amin.
So that we shall be able to tell the Good News in the districts beyond you, without trespassing on the sphere assigned to others, or boasting of what has been already done.
17 Datapuwa't ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon.
‘Let him who boasts make his boast of the Lord.’
18 Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon.
For it is not the man who commends himself that stands the test, but the man who is commended by the Lord.

< 2 Mga Corinto 10 >