< پیدایش 13 >

و ابرام با زن خود، و تمام اموال خویش، و لوط، از مصر به جنوب آمدند. ۱ 1
Kaya umalis si Abram sa Ehipto at pumunta sa Negeb, siya, ang kaniyang asawa, at ang lahat ng mayroon siya. Sumama rin si Lot sa kanila.
وابرام از مواشی و نقره و طلا، بسیار دولتمند بود. ۲ 2
Ngayon si Abram ay napakayaman na sa mga hayop, pilak, at ginto.
پس، از جنوب، طی منازل کرده، به بیت ئیل آمد، بدانجایی که خیمه‌اش در ابتدا بود، در میان بیت ئیل و عای، ۳ 3
Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakbay mula sa Negeb patungong Bethel, sa lugar kung saan naroon ang kaniyang tolda noon, sa pagitan ng Bethel at Ai.
به مقام آن مذبحی که اول بنانهاده بود، و در آنجا ابرام نام یهوه را خواند. ۴ 4
Pumunta siya sa lugar kung saan niya dating itinayo ang altar. Dito tumawag siya sa pangalan ni Yahweh.
ولوط را نیز که همراه ابرام بود، گله و رمه و خیمه هابود. ۵ 5
Ngayon si Lot, na kasama ni Abram sa paglalakbay, ay mayroon ding mga kawan, mga alagang hayop at mga tolda.
و زمین گنجایش ایشان را نداشت که دریکجا ساکن شوند زیرا که اندوخته های ایشان بسیار بود، و نتوانستند در یک جا سکونت کنند. ۶ 6
Dahil ang kanilang mga ari-arian ay napakarami, hindi na kayang tugunan ng lupain ang kanilang pangangailangan na manirahang magkasama, kaya hindi na sila maaaring magsama.
و در میان شبانان مواشی ابرام و شبانان مواشی لوط نزاع افتاد. و در آن هنگام کنعانیان و فرزیان، ساکن زمین بودند. ۷ 7
At isa pa, mayroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga pastol ng mga hayop ni Abram at ng mga pastol ng mga hayop ni Lot. Naninirahan ang mga Cananeo at Perezeo sa lupain nang panahong iyon.
پس ابرام به لوط گفت: «زنهاردر میان من و تو، و در میان شبانان من و شبانان تونزاعی نباشد، زیرا که ما برادریم. ۸ 8
Kaya sinabi ni Abram kay Lot, “Huwag nating hayaan na magkaroon ng alitan sa pagitan nating dalawa at sa pagitan ng iyong mga pastol at ng aking mga pastol; kung tutuusin, tayo ay magkapamilya.
مگر تمام زمین پیش روی تو نیست؟ ملتمس اینکه از من جداشوی. اگر به‌جانب چپ روی، من بسوی راست خواهم رفت و اگر بطرف راست روی، من به‌جانب چپ خواهم رفت.» ۹ 9
Hindi ba nasa harap mo ang buong lupain? Humayo ka at ihiwalay mo ang iyong sarili sa akin. Kung pupunta ka sa kaliwa, pupunta naman ako sa kanan. O kung pupunta ka sa kanan, pupunta naman ako sa kaliwa.
آنگاه لوط چشمان خود را برافراشت، وتمام وادی اردن را بدید که همه‌اش مانند باغ خداوند و زمین مصر، به طرف صوغر، سیراب بود، قبل از آنکه خداوند سدوم و عموره راخراب سازد. ۱۰ 10
Kaya tumingin si Lot sa paligid at nakitang sagana sa tubig ang buong kapatagan ng Jordan hanggang sa Zoar, katulad ng hardin ni Yahweh, katulad ng lupain sa Ehipto. Ito ay bago pa nilipol ni Yahweh ang Sodoma at Gomorrah.
پس لوط تمام وادی اردن را برای خود اختیار کرد، و لوط بطرف شرقی کوچ کرد، واز یکدیگر جدا شدند. ۱۱ 11
Kaya pinili ni Lot ang lahat ng kapatagan ng Jordan para sa kaniyang sarili at naglakbay sa silangan at naghiwalay na ang magkakamag-anak.
ابرام در زمین کنعان ماند، و لوط در بلاد وادی ساکن شد، و خیمه خودرا تا سدوم نقل کرد. ۱۲ 12
Nanirahan si Abram sa lupain ng Canaan, at si Lot ay nanirahan naman sa mga lungsod ng kapatagan. Nagtayo siya ng kaniyang mga tolda hindi kalayuan sa Sodoma.
لکن مردمان سدوم بسیار شریر و به خداوند خطاکار بودند. ۱۳ 13
Ngayon napakasama ng mga kalalakihan ng Sodoma at namumuhay sila laban kay Yahweh.
و بعد از جداشدن لوط از وی، خداوند به ابرام گفت: «اکنون توچشمان خود را برافراز و از مکانی که در آن هستی، بسوی شمال و جنوب، و مشرق و مغرب بنگر ۱۴ 14
Sinabi ni Yahweh kay Abram pagkatapos lumayo ni Lot sa kaniya, “Tumingin ka mula sa kinatatayuan mo, sa hilaga, timog, silangan at kanluran.
زیرا تمام این زمین را که می‌بینی به تو وذریت تو تا به ابد خواهم بخشید. ۱۵ 15
Lahat ng lupaing ito na nakikita mo, ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan magpakailanman.
و ذریت تو رامانند غبار زمین گردانم. چنانکه اگر کسی غبارزمین را تواند شمرد، ذریت تو نیز شمرده شود. ۱۶ 16
At gagawin kong kasindami ng alikabok sa lupa ang iyong mga kaapu-apuhan, kaya kung mabibilang ng isang tao ang alikabok ng mundo, sa gayon ay mabibilang din ang mga kaapu-apuhan mo.
برخیز و در طول و عرض زمین گردش کن زیراکه آن را به تو خواهم داد.» ۱۷ 17
Tumindig ka, lakarin mo ang kahabaan at kalawakan ng lupain, dahil ibibigay ko ito sa iyo.
و ابرام خیمه خودرا نقل کرده، روانه شد و در بلوطستان ممری که در حبرون است، ساکن گردید، و در آنجا مذبحی برای یهوه بنا نهاد. ۱۸ 18
Kaya binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, pumunta siya at nanirahan sa may mga kakahuyan ng Mamre, na nasa Hebron, at doon nagtayo ng isang altar para kay Yahweh.

< پیدایش 13 >