< تثنیه 25 >

اگر در میان مردم مرافعه‌ای باشد و به محاکمه آیند و در میان ایشان داوری نمایند، آنگاه عادل را عادل شمارند، و شریر راملزم سازند. ۱ 1
Kung magkaroon ng pagkakaalit ang mga tao, at sila'y dumating sa hukuman, at sila'y hatulan ng mga hukom; ay kanila ngang mamatuwirin ang may matuwid at hahatulan ang salarin:
و اگر شریر مستوجب تازیانه باشدآنگاه داور، او را بخواباند و حکم دهد تا او راموافق شرارتش به حضور خود به شماره بزنند. ۲ 2
At mangyayari, na kung ang salarin ay marapat paluin, ay padadapain siya ng hukom sa lupa, at papaluin sa kaniyang harap, ayon sa kaniyang sala na may bilang,
چهل تازیانه او را بزند و زیاد نکند، مبادا اگر ازاین زیاده کرده، تازیانه بسیار زند، برادرت در نظرتو خوار شود. ۳ 3
Apat na pung palo ang maibibigay niya sa kaniya, huwag niyang lalagpasan: baka kung siya'y lumagpas, at paluin niya ng higit sa mga ito ng maraming palo, ay maging hamak nga sa iyo ang iyong kapatid.
دهن گاو را هنگامی که خرمن را خرد می‌کند، مبند. ۴ 4
Huwag mong lalagyan ng pugong ang baka pagka gumigiik.
اگر برادران با هم ساکن باشند و یکی از آنهابی اولاد بمیرد، پس زن آن متوفی، خارج به شخص بیگانه داده نشود، بلکه برادر شوهرش به او درآمده، او را برای خود به زنی بگیرد، و حق برادر شوهری را با او بجا آورد. ۵ 5
Kung ang magkapatid ay tumahang magkasama, at isa sa kanila'y mamatay, at walang anak, ang asawa ng patay ay huwag magaasawa ng iba sa labas: ang kapatid ng kaniyang asawa ay sisiping sa kaniya, at kukunin siya niyang asawa, at tutuparin sa kaniya ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.
ونخست زاده‌ای که بزاید به اسم برادر متوفای اووارث گردد، تا اسمش از اسرائیل محو نشود. ۶ 6
At mangyayari, na ang panganay na kaniyang ipanganganak ay hahalili sa pangalan ng kaniyang kapatid na namatay, upang ang kaniyang pangalan ay huwag mapawi sa Israel.
واگر آن مرد به گرفتن زن برادرش راضی نشود، آنگاه زن برادرش به دروازه نزد مشایخ برود وگوید: «برادر شوهر من از برپا داشتن اسم برادرخود در اسرائیل انکار می‌کند، و از بجا آوردن حق برادر شوهری با من ابا می‌نماید.» ۷ 7
At kung ayaw kunin ng lalake ang asawa ng kaniyang kapatid, ay sasampa nga ang asawa ng kaniyang kapatid sa pintuang-bayan sa mga matanda, at sasabihin, Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging itindig ang pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel; ayaw niyang tuparin sa akin ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.
پس مشایخ شهرش او را طلبیده، با وی گفتگو کنند، و اگر اصرار کرده، بگوید نمی خواهم او را بگیرم، ۸ 8
Kung magkagayo'y tatawagin siya ng mga matanda sa kaniyang bayan at pangungusapan siya: at kung siya'y tumayo at sabihin niya, Ayaw kong kunin siya;
آنگاه زن برادرش نزد وی آمده، به حضورمشایخ کفش او را از پایش بکند، و به رویش آب دهن اندازد، و در جواب گوید: «با کسی‌که خانه برادر خود را بنا نکند، چنین کرده شود.» ۹ 9
Ang asawa nga ng kapatid ay paroroon sa kaniya sa harap ng mga matanda at huhubarin ang panyapak niya sa kaniyang mga paa, at luluran siya sa mukha; at siya'y sasagot at sasabihin, Ganyan ang gagawin sa lalake, na ayaw magtayo ng sangbahayan ng kaniyang kapatid.
ونام او در اسرائیل، خانه کفش کنده خوانده شود. ۱۰ 10
At ang kaniyang pangala'y tatawagin sa Israel, Ang bahay ng hinubaran ng panyapak.
و اگر دو شخص با یکدیگر منازعه نمایند، و زن یکی پیش آید تا شوهر خود را از دست زننده‌اش رها کند و دست خود را دراز کرده، عورت او را بگیرد، ۱۱ 11
Pag may dalawang lalaking nag-away, at ang asawa ng isa ay lumapit upang iligtas ang kaniyang asawa sa kamay ng nananakit sa kaniya, at iniunat niya ang kaniyang kamay at hinawakan niya ang mga sangkap na lihim:
پس دست او را قطع کن. چشم تو بر او ترحم نکند. ۱۲ 12
Ay iyo ngang puputulin ang kaniyang kamay; ang iyong mata'y huwag manghihinayang.
در کیسه تو وزنه های مختلف، بزرگ وکوچک نباشد. ۱۳ 13
Huwag kang magkakaroon sa iyong supot ng iba't ibang panimbang, ng isang malaki at ng isang maliit.
در خانه تو کیلهای مختلف، بزرگ و کوچک، نباشد. ۱۴ 14
Huwag kang magkakaroon sa iyong bahay ng iba't ibang takalan, ng isang malaki at ng isang maliit.
تو را وزن صحیح وراست باشد و تو را کیل صحیح و راست باشد، تاعمرت در زمینی که یهوه، خدایت، به تومی دهد دراز شود. ۱۵ 15
Isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka; isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
زیرا هر‌که این کار کندیعنی هر‌که بی‌انصافی نماید، نزد یهوه خدایت مکروه است. ۱۶ 16
Sapagka't yaong lahat na gumagawa ng gayong mga bagay, sa makatuwid baga'y yaong lahat ng gumagawa ng di matuwid ay kasuklamsuklam sa Panginoon mong Dios.
بیاد آور آنچه عمالیق وقت بیرون آمدنت از مصر در راه به تو نمودند. ۱۷ 17
Alalahanin mo ang ginawa sa iyo ng Amalec sa daan nang ikaw ay lumabas sa Egipto;
که چگونه تو رادر راه، مقابله کرده، همه واماندگان را در عقب تو از موخرت قطع نمودند، در حالی که توضعیف و وامانده بودی و از خدا نترسیدند. ۱۸ 18
Na kung paanong sinalubong ka niya sa daan, at sinaktan niya ang mga kahulihulihan sa iyo, yaong lahat na mahina sa hulihan mo, nang ikaw ay pagod at pagal; at siya'y hindi natakot sa Dios.
پس چون یهوه خدایت تو را در زمینی که یهوه، خدایت، تو را برای تصرفش نصیب می‌دهد، از جمیع دشمنانت آرامی بخشد، آنگاه ذکر عمالیق را از زیر آسمان محو ساز و فراموش مکن. ۱۹ 19
Kaya't mangyayari, na pagka binigyan ka ng Panginoon mong Dios ng kapahingahan sa lahat ng iyong mga kaaway sa palibot, sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana upang ariin, ay iyong papawiin ang pagalaala sa Amalec sa silong ng langit; huwag mong lilimutin.

< تثنیه 25 >