< Pāvila 1. Vēstule Korintiešiem 13 >

1 Ja es runātu ar cilvēku un eņģeļu mēlēm, un man nebūtu mīlestības, tad es būtu skanīgs varš jeb šķindošs zvārgulis.
Ipagpalagay na nakapagsasalita ako ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel. Ngunit kung wala akong pag-ibig, ako ay gaya lang ng isang batingaw na maingay o ng isang pompiyang na umaalingawngaw.
2 Un ja man būtu praviešu mācība, un ja es zinātu visus noslēpumus un visu atzīšanu, un ja man būtu visa ticība, tā ka es varētu kalnus pārcelt, un man nebūtu mīlestības, tad es neesmu nekas.
Ipagpalagay na mayroon akong kaloob ng propesiya at nauunawaan ang lahat ng lihim na katotohanan at kaalaman, at mayroon ako ng lahat ng pananampalataya sa ganoon ay napapalipat ko ang mga bundok. Ngunit kung ako ay walang pag-ibig, ako ay walang kabuluhan.
3 Un ja es visu savu mantu dotu nabagiem, un ja es savu miesu nodotu, ka taptu sadedzināts, un man nebūtu mīlestības, tad tas man nepalīdzētu nenieka.
At ipagpalagay na naibibigay ko ang lahat ng nasa akin upang maipakain sa mga mahihirap, at ibigay ko ang aking katawan upang sunugin. Ngunit kung wala akong pag-ibig, ako ay walang pakinabang.
4 Mīlestība ir lēnprātīga, tā ir laipnīga, mīlestība neskauž, mīlestība nelielās, tā neuzpūšās,
Ang pag-ibig ay mapagpasensya at magandang loob. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit o nagyayabang. Hindi mapagmataas,
5 Tā neturas netikli, tā nemeklē savu labumu, tā neapskaistās, tā nedomā uz ļaunu.
o hindi marahas. Hindi makasarili, hindi madaling magalit, ni nagkikimkim ng bilang na mga kamalian.
6 Tā nepriecājās par netaisnību, bet tā priecājās par patiesību.
Hindi nagsasaya sa kalikuan. Sa halip, nagsasaya sa katotohanan.
7 Tā apklāj visu, tā tic visu, tā cerē visu, tā panes visu.
Ang pag-ibig ay kinakaya ang lahat ng mga bagay, pinaniniwalaan ang lahat, at nagtitiwala sa lahat ng mga bagay, at tinitiis ang lahat ng mga bagay.
8 Mīlestība nekad nebeidzās, jebšu gan praviešu mācības mitēsies, un jebšu valodas beigsies, un jebšu atzīšana mitēsies.
Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas. Kung mayroon mang mga propesiya, ang mga ito ay lilipas. Kung mayroon mang pagsasalita ng wika, ang mga ito ay hihinto, at kung may kaalaman ito ay lilipas.
9 Jo tas ir mazums, ko zinām, un tas ir mazums, ko mācam.
Sapagkat nalalaman natin ng bahagya at nakapagpapahayag din tayo ng ng propesiya ng bahagya.
10 Bet kad pilnība nāks, tad tas, kas ir mazums, zudīs.
Ngunit kapag ang kaganapan ay dumating na, ang alin mang hindi ganap ay lilipas.
11 Kad biju bērns, tad runāju kā bērns, man bija bērna prāts un bērna domas; bet kad paliku par vīru, tad atmetu bērna dabu.
Noong ako ay bata pa, ang salita ko ay tulad ng isang bata. Ang isip ko ay tulad ng isang bata, nagdadahilan ako na tulad ng isang bata. Ngunit ng ako ay nasa hustong gulang na, iniwan ko na ang mga bagay ng pagiging isip-bata.
12 Jo tagad redzam kā caur spieģeli iekš mīklas, bet tad vaigu vaigā; tagad es atzīstu pa daļai, bet tad es atzīšu, itin kā es esmu atzīts.
Sa ngayon ang nakikita natin sa salamin ay tila madilim na larawan, ngunit pagkatapos ay mukhaan na. Ngayon ay nalalaman ko ang bahagya, ngunit sa pang-hinaharap lubusan ko ng malalaman na gaya ng lubos na pagkakilala sa akin.
13 Bet nu paliek ticība, cerība, mīlestība, šās trīs: bet tā lielākā no tām ir mīlestība.
Ngunit ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananampalataya, pag-asa sa hinaharap, at pag-ibig. Ngunit ang higit sa lahat ng mga ito ay ang pag-ibig.

< Pāvila 1. Vēstule Korintiešiem 13 >