< Esodo 20 >

1 Allora Iddio pronunziò tutte queste parole, dicendo:
Sinabi ng Diyos ang mga salitang ito:
2 “Io sono l’Eterno, l’Iddio tuo, che ti ho tratto dal paese d’Egitto, dalla casa di servitù.
“Ako ay si Yahweh, inyong Diyos, ang naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa labas ng bahay ng pagkaalipin.
3 Non avere altri dii nel mio cospetto.
Dapat wala kang ibang diyos sa harapan ko.
4 Non ti fare scultura alcuna né immagine alcuna delle cose che sono lassù ne’ cieli o quaggiù sulla terra o nelle acque sotto la terra;
Huwag dapat kayong gumawa para sa sarili ninyo ng isang inukit na larawan ni kahalintulad ng anumang bagay na nasa itaas ng langit, o sa lupa na nasa ilalim, o sa tubig na nasa ibaba.
5 non ti prostrare dinanzi a tali cose e non servir loro, perché io, l’Eterno, l’Iddio tuo, sono un Dio geloso che punisco l’iniquità dei padri sui figliuoli fino alla terza e alla quarta generazione di quelli che mi odiano,
Huwag dapat kayong yuyukod sa kanila o sambahin sila, dahil Ako, si Yahweh na inyong Diyos, ay selosong Diyos. Paparusahan ko ang kasamaan ng mga ninuno sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaparusahan sa mga kaapu-apuhan, patungo sa ikatlo at ikaapat na salinlahi sa mga galit sa akin.
6 e uso benignità, fino alla millesima generazione, verso quelli che m’amano e osservano i miei comandamenti.
Pero magpapakita ako ng katapatan sa tipan sa libu-libong mga nagmamahal sa akin at susunod sa aking mga utos.
7 Non usare il nome dell’Eterno, ch’è l’Iddio tuo, in vano; perché l’Eterno non terra per innocente chi avrà usato il suo nome in vano.
Hindi ninyo dapat kunin ang pangalan ko, si Yahweh ang inyong Diyos, sa walang kabuluhan, dahil hindi ko ituturing na walang pagkakakasala ang sinumang kukuha ng pangalan ko sa walang kabuluhan.
8 Ricordati del giorno del riposo per santificarlo.
Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, ihandog ninyo ito sa akin.
9 Lavora sei giorni e fa’ in essi ogni opera tua;
Dapat magtrabaho kayo at gawin ang lahat ng gawain sa loob ng anim na araw.
10 ma il settimo è giorno di riposo, sacro all’Eterno, ch’è l’Iddio tuo; non fare in esso lavoro alcuno, né tu, né il tuo figliuolo, né la tua figliuola, né il tuo servo, né la tua serva, né il tuo bestiame, né il forestiero ch’è dentro alle tue porte;
Pero ang ikapitong araw, ay isang Araw ng Pamamahinga para sa akin, si Yahweh ang inyong Diyos. Dito dapat walang gagawa ng anumang gawain, ikaw, ni ang iyong anak na lalaki, ni ang iyong anak na babae, ni iyong lalaking lingkod, ni iyong babaeng lingkod, ni iyong baka, ni ang dayuhan na nasa loob ng iyong mga tarangkahan.
11 poiché in sei giorni l’Eterno fece i cieli, la terra, il mare e tutto ciò ch’è in essi, e si riposò il settimo giorno; perciò l’Eterno ha benedetto il giorno del riposo e l’ha santificato.
Dahil sa ikaanim na araw Ako, si Yahweh, ang lumikha ng langit, lupa at dagat at lahat ng bagay na nasa loob nito at nagpahinga sa ikapitong araw. Kaya nga Ako, si Yahweh, ay pinagpala ang Araw ng Pamamahinga at inihandog ito sa aking sarili.
12 Onora tuo padre e tua madre, affinché i tuoi giorni siano prolungati sulla terra che l’Eterno, l’Iddio tuo, ti dà.
Igalang ninyo ang inyong ama at inyong ina, para maaari kang manirahanng mahabang panahon sa lupain na ibibigay ko sa inyo Ako, si Yahweh, ang inyong Diyos.
13 Non uccidere.
Hindi kayo dapat pumatay ng sinuman.
14 Non commettere adulterio.
Hindi kayo dapat mangalunya.
15 Non rubare.
Hindi kayo dapat magnakaw mula kaninuman.
16 Non attestare il falso contro il tuo prossimo.
Hindi kayo dapat magbigay ng maling patotoo laban sa iyong kapwa.
17 Non concupire la casa del tuo prossimo; non concupire la moglie del tuo prossimo, né il suo servo, né la sua serva, né il suo bue, né il suo asino, né cosa alcuna che sia dei tuo prossimo”.
Hindi ninyo dapat kainggitan ang bahay ng iyong kapwa; hindi ninyo dapat kainggitan ang asawa ng iyong kapwa, ang kaniyang lingkod na lalaki, ang kaniyang lingkod na babae, ang kaniyang baka, kaniyang asno o anumang bagay na pag-aari ng kapwa mo.”
18 Or tutto il popolo udiva i tuoni, il suon della tromba e vedeva i lampi e il monte fumante. A tal vista, tremava e se ne stava da lungi.
Nakita ng mga tao ang pagkulog at ang pagkidlat at narinig ang tunog ng trumpeta at nakitang umuusok ang bundok. Nang makita ito ng mga tao, nanginig sila at tumayo sa malayo.
19 E disse a Mosè: “Parla tu con noi, e noi t’ascolteremo; ma non ci parli Iddio, che non abbiamo a morire”.
Sinabi nila kay Moises, “Makipag-usap ka sa amin at kami'y makikinig; pero huwag mong payagan makipag- usap sa amin ang Diyos, o lahat kami ay mamamatay.”
20 E Mosè disse al popolo: “Non temete, poiché Dio è venuto per mettervi alla prova, e affinché il suo timore vi stia dinanzi, e così non pecchiate”.
Sinabi ni Moises sa mga tao, “Huwag kayong matakot, dahil bumaba ang Diyos para kayo ay subukin para ang karangalan na nasa kaniya ay mapasainyo at para hindi kayo magkasala.”
21 Il popolo dunque se ne stava da lungi; ma Mosè s’avvicinò alla caligine dov’era Dio.
Kaya ang mga tao ay tumayo sa malayo at lumapit si Moises tungo sa makapal na kadiliman kung saan naroon ang Diyos.
22 E l’Eterno disse a Mosè: “Di’ così ai figliuoli d’Israele: Voi stessi avete visto ch’io v’ho parlato dai cieli.
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita: 'Nakita mo na nakipag-usap ako sa iyo mula sa langit.
23 Non fate altri dii accanto a me; non vi fate dii d’argento, né dii d’oro.
Huwag kang gagawa para sa sarili mo ng anumang mga diyos kasama ko, mga diyos ng pilak o diyos ng ginto.
24 Fammi un altare di terra; e su questo offri i tuoi olocausti, i tuoi sacrifizi di azioni di grazie, le tue pecore e i tuoi buoi; in qualunque luogo dove farò che il mio nome sia ricordato, io verrò a te e ti benedirò.
Kailangan gumawa ka ng isang makalupang altar para sa akin at kailangang ihain mo itong mga handog na susunugin, mga handog ng pagtipon-tipon, tupa at mga baka. Sa bawat lugar na kung saan pararangalan ang pangalan ko, pupuntahan at pagpapalain kita.
25 E se mi fai un altare di pietra, non lo costruire di pietre tagliate; perché, se tu alzassi su di esse lo scalpello, tu le contamineresti.
Kung igagawa mo ako ng isang altar mula sa bato, huwag mong itatayo mula sa hinati na mga bato, kapag ginamit mo ang iyong mga kasangkapan para dito, dinumihan mo ito.
26 E non salire al mio altare per gradini, affinché la tua nudità non si scopra sovr’esso.
Huwag kang aakyat sa mga baitang patungo sa aking altar; ito ay hahadlang sa iyo mula sa paglantad ng pribadong bahagi ng iyong katawan.'”

< Esodo 20 >