< 1 Cronache 20 >

1 Or avvenne che, in capo dell'anno, al tempo che i re sogliono uscire [alla guerra], Ioab condusse fuori l'esercito, e guastò il paese de' figliuoli di Ammon; poi venne, e pose l'assedio a Rabba; ma Davide dimorò in Gerusalemme; e Ioab percosse Rabba, e la disfece.
Nang sumapit ang tagsibol sa panahon na karaniwang nakikipagdigma ang mga hari. Pinangunahan ni Joab ang hukbo sa labanan at winasak nila ang lupain ng mga Ammonita. Pumunta siya at sinalakay ang Rabba, nanatili si David sa Jerusalem. Nilusob ni Joab ang Rabba at tinalo ito.
2 E Davide prese la corona di Malcam d'in su la testa di esso, e trovò che pesava un talento d'oro, e [vi erano] delle pietre preziose; e fu [posta] sopra il capo di Davide. Egli ne portò eziandio le spoglie della città, ch'[erano] in grandissima quantità.
Kinuha ni David ang korona ng kanilang hari mula sa ulo nito at nalaman niya na nagtitimbang ito ng isang talentong ginto at may mga mamahaling bato. Inilagay ang korona sa ulo ni David at inilabas niya ang napakalaking bilang na sinamsam sa lungsod.
3 E trasse fuori il popolo, e lo mise in pezzi con seghe, e con trebbie di ferro, e con mannaie. E così fece Davide a tutte le città de' figliuoli di Ammon. Poi se ne ritornò, con tutto il popolo, in Gerusalemme.
Pinalabas niya ang mga tao na nasa lungsod at sapilitan silang pinagtrabaho gamit ang mga lagari, mga matutulis na bakal at mga palakol. Iniutos ni David sa lahat ng mga lungsod ng mga Ammonita na gawin ang trabahong ito. Pagkatapos, bumalik si David at ang lahat ng kaniyang hukbo sa Jerusalem.
4 DOPO queste cose, avvenne che si mosse guerra contro a' Filistei, in Ghezer. Allora Sibbecai Hussatita percosse Sippai, [ch'era] della progenie di Rafa; ed [i Filistei] furono abbassati.
At nangyari pagkatapos nito, nagkaroon ng digmaan sa Gezer laban sa mga Filisteo. Napatay ni Sibecai na Husatita si Sipai, isa sa mga kaapu-apuhan ng Refaim at nasakop ang mga Filisteo.
5 Vi fu ancora un'[altra] guerra contro a' Filistei, nella quale Elhanan, figliuolo di Iair, percosse Lachmi, fratello di Goliat, Ghitteo, l'asta della cui lancia [era] come un subbio di tessitore.
At muling nangyari sa digmaan laban sa mga Filisteo sa Gob, pinatay ni Elhanan na anak ni Jair na taga-Bethlehem si Lahmi na kapatid ni Goliath na taga-Gat, na ang sibat ay katulad ng kahoy na ginagamit ng manghahabi.
6 Vi fu ancora un'[altra] guerra in Gat, dove si trovò un uomo di [grande] statura, il quale aveva sei dita [in ciascuna mano, ed in ciascun piè]; [sì ch'erano in tutto] ventiquattro; ed [era] anch'egli della progenie di Rafa.
At nangyari na sa isa pang labanan sa Gat, may isang lalaking sobrang tangkad na may tig-aanim na daliri sa bawat kamay at tig-aanim na daliri sa bawat paa. Mula rin siya sa lahi ng Refaim,
7 Ed egli schernì Israele; ma Gionatan, figliuolo di Sima, fratello di Davide, lo percosse.
Nang kutyain niya ang hukbo ng Israel, pinatay siya ni Jehonadab na anak ni Simea, na kapatid ni David.
8 Questi nacquero in Gat, della schiatta di Rafa, e furono morti per mano di Davide, e per mano de' suoi servitori.
Ito ay mga kaapu-apuhan ng Refaim sa Gat, at sila ay pinatay sa pamamagitan ng kamay ni David at sa kamay ng kaniyang mga kawal.

< 1 Cronache 20 >