< 2 Mose 5 >

1 Hernach kamen Moses und Aaron und sprachen zu Pharao: "So spricht der Herr, der Gott Israels: 'Entlaß mein Volk, daß sie mir ein Fest in der Wüste feiern!'"
Nang matapos ang mga bagay na ito, pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon at sinabi, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinabing: 'Pabayaan mong umalis ang aking bayan, para magkaroon sila ng pagdiriwang para sa akin doon sa ilang.”
2 Da sprach Pharao: "Wer ist der Herr, daß ich ihm gehorchen und Israel entlassen soll? Den Herrn kenne ich nicht, und Israel entlasse ich nicht."
Sinabi ni Paraon, “Sino si Yahweh? Bakit ako makikinig sa kaniyang tinig at hahayaang umalis ang Israel? Hindi ko kilala si Yahweh; bukod dito, hindi ko papayagang umalis ang Israel.”
3 Sie sprachen.- "Der Gott der Hebräer ist uns begegnet. Wir möchten nur drei Tagereisen in die Wüste gehen und dem Herrn, unserem Gott, opfern, daß er uns nicht mit Pest oder Schwert überfalle!"
Sinabi nila. “Ang Diyos ng mga Hebreo ay nakipagkita sa amin. Payagan mo kaming umalis at maglakbay ng tatlong araw doon sa ilang at mag-alay kay Yahweh na aming Diyos para hindi niya kami salakayin ng salot o may espada.”
4 Da sprach der König von Ägypten zu ihnen: "Warum wollt ihr, Moses und Aaron, das Volk an seiner Arbeit hindern? Kümmert euch doch um eure Sachen!"
Pero sinabi ng hari ng Ehipto sa kanila, “Moises at Aaron, bakit ninyo pinapaalis ang mga tao sa kanilang gawain? Bumalik kayo sa inyong gawain.”
5 Und Pharao sprach: "Fürwahr, allzuviel Leute sind schon im Land. Da lasset ihr diese von ihren Arbeiten ausruhen!"
Sinabi rin niya, “Marami ng mga taong Hebreo ngayon sa aming lupain, at papatigilin mo sila sa kanilang gawain.”
6 Und Pharao befahl am gleichen Tage des Volkes Fronvögten und seinen Aufsehern:
Sa araw ding iyon, nagbigay ng utos si Paraon sa mga katiwala at mga mahihigpit na tagapangasiwa. Sinabi niya,
7 "Liefert kein Stroh mehr dem Volk zum Ziegelmachen wie bisher! Selber sollen sie gehen und Stroh auflesen!
“Hindi tulad noon, hindi na ninyo kailanman bibigyan ang mga tao ng dayami para gawing mga laryo. Pabayaan ninyong magtipon ng para sa kanilang sarili.
8 Aber den Satz der Ziegel, die sie bisher hergestellt, belaßt für sie! Macht keinen Abzug daran! Faul sind sie, drum schreien sie: 'Laßt uns gehen, unserem Gott zu opfern!'
Gayun pa man, dapat pa rin ninyong hihingiin sa kanila ang parehong bilang ng mga laryo na ginawa nila noon. Huwag ninyong tanggapin ang anumang kakaunti, dahil sila ay tamad. Kaya nga sila ay tumatawag at sinasabing, 'Payagan ninyo kaming umalis at mag-alay sa aming Diyos.'
9 Wuchtig laste die Arbeit auf diesen Leuten, und sie sollen daran zu tun haben, daß sie nicht auf Lügenreden achten!"
Dagdagan pa ang mga gawain ng mga kalalakihan para magpatuloy sila rito at hindi na papansinin ang mapanlinlang na mga salita.”
10 Da kamen des Volkes Fronvögte und seine Aufseher heraus und sagten zum Volke: "So spricht der Pharao: Ich liefere euch kein Stroh mehr.
Kaya ang mga mahihigpit na tagapangasiwa at katiwala ay lumabas at pinaalam sa mga tao. Sinabi nila, ''Ito ang sinasabi ni Paraon: 'Hindi na ako kailanman magbibigay ng kahit anong dayami sa inyo.
11 Geht selber! Holt euch Stroh, wo ihr es findet! Von eurem Frondienst aber wird nichts gekürzt"
Kayo na sa inyong sarili ang umalis at kumuha ng dayami kahit saan ninyo ito mahahanap, pero ang inyong gawain ay hindi mababawasan.”'
12 Da zerstreute sich das Volk über ganz Ägypterland, Stoppeln für die Ziegel zu sammeln.
Kaya ang bayan ay nagsikalat sa buong lupain ng Ehipto para maka-ipon ng mga pinagputulan para sa dayami.
13 Aber die Fronvögte drängten und sprachen: "Die volle Arbeit müßt ihr täglich liefern wie damals, als es Stroh gab."
Palagi silang hinihimok ng mahihigpit na tagapangasiwa at sinasabing, “Tapusin ninyo ang inyong trabaho, sa panahon na maibigay ang dayami sa inyo.”'
14 Da wurden die israelitischen Aufseher gezüchtigt. Ihnen hatten Pharaos Fronvögte die Schuld gegeben, indem sie sprachen: "Warum habt ihr nicht euer Maß an Ziegeln wie bisher, so auch heute fertig gebracht?"
Binubugbog ng mga mahihigpit na tagapangasiwa ni Paraon ang mga katiwala na Israelita, iyon ding taong nilalagay nila bilang pinuno sa mga manggagawa. Palaging tinatanong ng mga mahihigpit na tagapangasiwa sa kanila, “Bakit hindi ninyo naibibigay ang lahat ng hinihinging laryo sa inyo, maski kahapon at ngayon, na dati ninyong ginagawa?”
15 So kamen die israelitischen Aufseher, schrien zu Pharao und sprachen: "Warum tust du so mit deinen Sklaven?
Kaya pumunta ang mga Israelitang katiwala kay Paraon at tumawag sa kaniya. Sinabi nila, “Bakit sa ganitong paraan ang pakikitungo mo sa iyong mga lingkod?
16 Stroh wird deinen Sklaven nicht mehr geliefert; doch 'Ziegel', sagt man uns, 'liefert ab!' Nun werden deine Sklaven schwer gezüchtigt, indes an dir die Schuld liegt."
Wala nang dayaming binibigay sa iyong mga lingkod, pero sinasabi pa rin nila sa amin, 'Gumawa kayo ng mga laryo!' Kami, ang iyong mga lingkod, ay binubugbog maski ngayon, pero kagagawan ito ng sarili mong bayan.”
17 Er sprach: "Faul seid ihr, faul. Deshalb sagt ihr: 'Wir wollen gehen, dem Herrn zu opfern.'
Pero sinabi ni Paraon, “Kayo ay mga tamad! Kayo ay mga tamad! Sabi niyo, 'Payagan mo kaming umalis para makapag-alay kay Yahweh.'
18 Jetzt marsch! Fort an die Arbeit! Stroh wird euch nicht geliefert; doch den Satz an Ziegeln habt ihr zu liefern."
Kaya ngayon bumalik na kayo sa trabaho. Wala nang dayami ang ibibigay sa inyo, pero gagawa pa rin kayo ng parehong bilang ng mga laryo.”
19 Da sahen die Aufseher der Israeliten sie traurig an und sprachen: "Ihr dürft das Tagwerk an Ziegeln nicht kürzen."
Nakita ng mga Israelitang katiwala na sila ay nasa panganib nang sinabihan silang, “Hindi ninyo babawasan ang araw-araw na bilang ng mga laryo.”
20 Als sie von Pharao weggingen, trafen sie auf Moses und Aaron, die sie erwarteten.
Nakipagkita sila kina Moises at Aaron na nakatayo sa labas ng palasyo, papalayo kay Paraon.
21 Sie sprachen zu ihnen: "Der Herr blicke auf euch und richte, daß ihr uns bei Pharao und seinen Dienern in übelsten Geruch gebracht, ja ihnen das Schwert in die Hand gedrückt habt, uns zu morden!"
Sinabi nila kina Moises at Aaron, “Nawa tingnan kayo ni Yahweh at paparusahan kayo, dahil ginawa ninyo kaming maging hindi kanais-nais sa paningin ni Paraon at sa kaniyang mga lingkod. Inilagay ninyo ang espada sa kanilang kamay para patayin kami.”
22 Da wandte sich Moses an den Herrn und sprach: "Herr! Warum tust du diesem Volk so übel? Wozu hast du mich hergesandt?
Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabi, “Panginoon, bakit mo idinulot ang panganib sa mga taong ito? Bakit mo pala ako ipinadala?
23 Seit ich zu Pharao gekommen bin, in deinem Namen zu reden, hat er diesem Volke übel getan, und du hast dein Volk nicht davor geschützt."
Sa simula pa lang na pumunta ako kay Paraon para magsalita sa kaniya sa iyong pangalan, idinulot niya ang panganib para sa mga taong ito, at hindi mo pinalaya ang iyong bayan.”

< 2 Mose 5 >