< Hebrews 6 >

1 Therefore leaving the teaching of the first principles of Christ, let’s press on to perfection—not laying again a foundation of repentance from dead works, of faith toward God,
Kung gayon, iwan na natin ang mga unang natutunan tungkol sa mensahe ni Cristo, kailangan nating magpatuloy sa pagiging ganap, at huwag na muling ilagay ang saligan ng pagsisisi mula sa mga patay na gawa at ng pananampalataya sa Diyos,
2 of the teaching of baptisms, of laying on of hands, of resurrection of the dead, and of eternal judgment. (aiōnios g166)
ni ang saligan ng katuruan tungkol sa mga pagbabautismo, pagpapatong ng mga kamay, ang muling pagkabuhay ng mga patay, at sa hatol na walang hanggan. (aiōnios g166)
3 This will we do, if God permits.
Gagawin din natin ito kung papahintulutan ng Diyos.
4 For concerning those who were once enlightened and tasted of the heavenly gift, and were made partakers of the Holy Spirit,
Sapagkat imposible para sa kanila na minsan nang naliwanagan, na nakalasap na ng kaloob ng kalangitan, na naging kabahagi ng Banal na Espiritu,
5 and tasted the good word of God and the powers of the age to come, (aiōn g165)
at sila na nakalasap na ng mabuting salita ng Diyos at ng mga kapangyarihan ng kapanahunang darating, (aiōn g165)
6 and then fell away, it is impossible to renew them again to repentance; seeing they crucify the Son of God for themselves again, and put him to open shame.
at sila nga na nahulog na—ito ay imposible nang ibalik silang muli sa pagsisisi. Ito ay dahil sa ipinako nilang muli para sa kanilang mga sarili ang nag-iisang Anak ng Diyos, ginawa siyang dahilan ng lantarang kahihiyan.
7 For the land which has drunk the rain that comes often on it and produces a crop suitable for them for whose sake it is also tilled, receives blessing from God;
Sapagkat ang lupang tumanggap ng ulan na madalas bumuhos dito at nagbibigay ng pananim na kapaki-pakinabang para sa kanila na nagtrabaho ng lupa, ay tumanggap ng pagpapalang galing sa Diyos.
8 but if it bears thorns and thistles, it is rejected and near being cursed, whose end is to be burned.
Ngunit kung tubuan ito ng tinik at dawag, ito ay walang pakinabang at nanganganib na maisumpa. At ang kahahantungan nito ay pagkasunog.
9 But, beloved, we are persuaded of better things for you, and things that accompany salvation, even though we speak like this.
Kahit na kami ay nagsasalita na gaya nito, minamahal kong mga kaibigan, kami ay naniniwala sa mas mabuting mga bagay ukol sa inyo at sa mga bagay na tungkol sa kaligtasan.
10 For God is not unrighteous, so as to forget your work and the labor of love which you showed toward his name, in that you served the saints, and still do serve them.
Sapagkat ang Diyos ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pag-ibig na inyong ipinakita para sa kaniyang pangalan, sa ganoon naglingkod kayo sa mga mananampalataya at patuloy na naglingkod sa kanila.
11 We desire that each one of you may show the same diligence to the fullness of hope even to the end,
At labis naming ninanais na ang bawat isa sa inyo ay magpakita ng parehong kasipagan hanggang sa wakas na may buong katiyakan ng pagtitiwala.
12 that you won’t be sluggish, but imitators of those who through faith and perseverance inherited the promises.
Ayaw namin na maging mabigat ang inyong katawan, sa halip maging katulad kayo ng mga magmamana ng mga pangako dahil sa pananampalataya at pagtitiis.
13 For when God made a promise to Abraham, since he could swear by no one greater, he swore by himself,
Sapagkat nang ginawa ng Diyos ang kaniyang pangako kay Abraham, siya ay nanumpa sa kaniyang sarili, sapagkat hindi siya makapanumpa sa mas higit sa kaniya.
14 saying, “Surely blessing I will bless you, and multiplying I will multiply you.”
Sinabi niya, “Tunay na ikaw ay aking pagpapalain, at labis kong dadagdagan ang iyong mga kaapu-apuhan.''
15 Thus, having patiently endured, he obtained the promise.
Sa ganitong paraan, natanggap ni Abraham kung ano ang ipinangako pagkatapos niyang maghintay ng may pagtitiis.
16 For men indeed swear by a greater one, and in every dispute of theirs the oath is final for confirmation.
Sapagkat ang mga tao ay nanunumpa sa mas mataas sa kanilang mga sarili, at sa bawat pagtatalo nila, ang sinumpaan ang siyang pangwakas bilang pagpapatunay.
17 In this way God, being determined to show more abundantly to the heirs of the promise the immutability of his counsel, interposed with an oath,
Nang nagpasya ang Diyos na ipakita ng mas malinaw sa mga tagapagmana ng pangako ang hindi nagbabagong katangian ng kaniyang layunin, tiniyak niya ito ng may panunumpa.
18 that by two immutable things, in which it is impossible for God to lie, we may have a strong encouragement, who have fled for refuge to take hold of the hope set before us.
Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng dalawang bagay na hindi nababago, na kung saan hindi maaaring magsinungaling ang Diyos, tayo na nagsitakas para magpakupkop ay magkaroon ng matatag na lakas ng loob upang matibay na panghawakan ang pagtitiwala na inilagay sa ating harapan.
19 This hope we have as an anchor of the soul, a hope both sure and steadfast and entering into that which is within the veil,
Mayroon tayo nitong pagtitiwala bilang matatag at maaasahan na angkla ng ating mga kaluluwa, ang pagtitiwala na pumapasok sa dakong loob sa likod ng tabing.
20 where as a forerunner Jesus entered for us, having become a high priest forever after the order of Melchizedek. (aiōn g165)
Pumasok si Jesus sa dakong iyon bilang tagapanguna para sa atin, at naging pinaka-punongpari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec. (aiōn g165)

< Hebrews 6 >