< Acts 17 >

1 Now when they had passed through Amphipolis and Apollonia, they came to Thessalonica, where there was a Jewish synagogue.
Ngayon nang dumaan sila sa mga bayan ng Amfipolis at Apolonia, sila ay dumating sa bayan ng Tesalonica, kung saan ay mayroong isang sinagoga ng mga Judio.
2 Paul, as was his custom, went in to them; and for three Sabbath days reasoned with them from the Scriptures,
Tulad ng nakagawian ni Pablo, pumunta siya sa kanila, at sa tatlong araw ng sabbath ay nangatwiran sa kanila mula sa mga kasulatan.
3 explaining and demonstrating that the Christ had to suffer and rise again from the dead, and saying, “This Jesus, whom I proclaim to you, is the Christ.”
Binubuksan niya ang mga kasulatan at nagpapaliwanag na kinakailangan ng Cristo na magdusa at muling mabuhay mula sa mga patay. Sinabi niya, “Itong si Jesus na aking ipinapahayag sa inyo ay ang Cristo.”
4 Some of them were persuaded and joined Paul and Silas: of the devout Greeks a great multitude, and not a few of the chief women.
May ilang mga Judio ang nahikayat at sumama kina Pablo at Silas, pati na rin ang mga debotong Griego, mga kilalang kababaihan, at lubhang napakaraming tao.
5 But the unpersuaded Jews took along some wicked men from the marketplace and gathering a crowd, set the city in an uproar. Assaulting the house of Jason, they sought to bring them out to the people.
Ngunit nang dahil sa inggit, ang mga hindi naniniwalang mga Judio ay kumuha ng mga masasamang tao mula sa pamilihan, nagsama-sama sila upang manggulo sa lungsod. Pinasok nila ang bahay ni Jason dahil nais nilang iharap sina Pablo at Silas sa mga tao.
6 When they didn’t find them, they dragged Jason and certain brothers before the rulers of the city, crying, “These who have turned the world upside down have come here also,
Ngunit nang hindi nila sila matagpuan, kinaladkad nila si Jason at ang iba pang mga kapatid sa harapan ng mga pinuno ng lungsod na sumisigaw “Pumunta rito ang mga lalaking ito na nagdulot ng kaguluhan.”
7 whom Jason has received. These all act contrary to the decrees of Caesar, saying that there is another king, Jesus!”
Itong mga lalaking tinanggap ni Jason ay sumasalungat laban sa mga kautusan ni Ceasar; sinasabi nilang mayroong pang ibang hari - si Jesus.”
8 The multitude and the rulers of the city were troubled when they heard these things.
Nang marinig ng karamihan at ng mga pinuno ng lungsod ang mga bagay ito, sila ay nabagabag.
9 When they had taken security from Jason and the rest, they let them go.
Pagkatapos nilang makuha ang perang pambayad mula kay Jason at sa kasamahan niya pinalaya na nila sila.
10 The brothers immediately sent Paul and Silas away by night to Beroea. When they arrived, they went into the Jewish synagogue.
Nang gabing iyon pinapunta ng mga kapatid sina Pablo at Silas sa Berea. Nang makarating sila roon, nagpunta sila sa sinagoga ng mga Judio.
11 Now these were more noble than those in Thessalonica, in that they received the word with all readiness of mind, examining the Scriptures daily to see whether these things were so.
Ngayon ang mga taong ito ay mas matalino kaysa sa mga taga Tesalonica, dahil tinanggap nila ang salita nang may kahandaan ng isip, nagsasaliksik ng mga kasulatan araw araw, upang makita kung ang mga bagay na ito ay totoo.
12 Many of them therefore believed; also of the prominent Greek women, and not a few men.
Kaya naman marami sa kanila ang nanampalataya, kabilang ang ilang mga kilalang kababaihang Griego at maraming kalalakihan.
13 But when the Jews of Thessalonica had knowledge that the word of God was proclaimed by Paul at Beroea also, they came there likewise, agitating the multitudes.
Ngunit nang mapag-alaman ng mga Judio na taga Tesalonica na nagpapahayag si Pablo ng Salita ng Dios sa Berea, nagpunta sila doon at niligalig at ginulo nila ang mga tao.
14 Then the brothers immediately sent out Paul to go as far as to the sea, and Silas and Timothy still stayed there.
Pagkatapos, agad - agad na pinapunta ng mga kapatid si Pablo papunta doon sa dagat, ngunit nanatili sina Silas at Timoteo doon.
15 But those who escorted Paul brought him as far as Athens. Receiving a commandment to Silas and Timothy that they should come to him very quickly, they departed.
Dinala si Pablo ng mga naghatid sa kaniya hanggang sa lungsod ng Atenas. Nang sila ay papaalis na doon, nagbilin sa kanila si Pablo, na papuntahin sina Silas at Timoteo sa kaniya sa lalong madaling panahon.
16 Now while Paul waited for them at Athens, his spirit was provoked within him as he saw the city full of idols.
Ngayon habang nag-aantay si Pablo sa kanila sa Atenas, nabagabag ang kaniyang espiritu nang kaniyang makita na ang lungsod ay puno ng mga diyus-diyosan.
17 So he reasoned in the synagogue with the Jews and the devout persons, and in the marketplace every day with those who met him.
Kaya nangatwiran siya sa mga Judio sa sinagoga at sa mga sumamba sa Diyos at maging sa mga nakikipagkita sa kaniya sa pamilihan araw-araw.
18 Some of the Epicurean and Stoic philosophers also were conversing with him. Some said, “What does this babbler want to say?” Others said, “He seems to be advocating foreign deities,” because he preached Jesus and the resurrection.
Ngunit mayroong din mga pilosopong Epicureo at Estoico na kaniyang nakaharap. At may mga nagsabi, “Ano ang nais sabihin ng madaldal na ito?” sabi ng iba, “Parang mangangaral siya ng ibang diyos,” dahil nangangaral siya tungkol kay Jesus at nang muling pagkabuhay.
19 They took hold of him and brought him to the Areopagus, saying, “May we know what this new teaching is, which you are speaking about?
Dinala nila si Pablo papunta sa Areopago na sinasabing, “Maaari ba naming malaman ang bagong katuruan na iyong sinasabi?
20 For you bring certain strange things to our ears. We want to know therefore what these things mean.”
Sapagkat naghatid ka ng kakaibang bagay sa aming tainga. Kaya nga, nais naming malaman ang kahulugan ng mga ito.
21 Now all the Athenians and the strangers living there spent their time in nothing else, but either to tell or to hear some new thing.
(Ngayon lahat ng mga taga Atenas at mga dayuhang nakatira doon ay ginugugol lamang ang kanilang panahon sa pagkukwento o pakikinig tungkol sa mga bagay na bago.)
22 Paul stood in the middle of the Areopagus and said, “You men of Athens, I perceive that you are very religious in all things.
Kaya tumayo si Pablo sa kalagitnaan ng Aeropago at nagsabi, “Kayong mga taga-Atenas, nakita ko na kayo ay napakarelihiyoso sa lahat ng paraan.
23 For as I passed along and observed the objects of your worship, I also found an altar with this inscription: ‘TO AN UNKNOWN GOD.’ What therefore you worship in ignorance, I announce to you.
Sapagkat sa aking pagdaraan at pagmamasid sa mga bagay na inyong sinasamba, natagpuan ko ang isang altar na may naka-ukit na ganito, “SA DIYOS NA HINDI NAKIKILALA “. Ang sinasamba ninyo na hindi nakikilala ang aking ipinapahayag sa inyo.
24 The God who made the world and all things in it, he, being Lord of heaven and earth, doesn’t dwell in temples made with hands.
Ang Diyos na lumikha ng mundo at ng lahat ng naroon, dahil siya ang Panginoon ng langit at lupa, ay hindi nananahan sa mga templo na itinayo ng mga kamay.
25 He isn’t served by men’s hands, as though he needed anything, seeing he himself gives to all life and breath and all things.
Hindi rin siya pinagsilbihan ng mga kamay ng tao, na para bang kailangan niya ang anuman, dahil siya mismo ang nagbigay ng buhay sa tao at hininga at lahat ng iba pang mga bagay.
26 He made from one blood every nation of men to dwell on all the surface of the earth, having determined appointed seasons and the boundaries of their dwellings,
At mula sa isang tao ay nilikha niya ang bawat lahi ng mga taong nabubuhay sa ibabaw ng mundo, itinakda niya ang kanilang mga kapanahunan at ang hangganan ng kanilang tinitirahan.
27 that they should seek the Lord, if perhaps they might reach out for him and find him, though he is not far from each one of us.
Kaya nga dapat nilang hanapin ang Diyos at baka sakaling maabot siya at matagpuan at sa katunayan, hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.
28 ‘For in him we live, move, and have our being.’ As some of your own poets have said, ‘For we are also his offspring.’
Dahil sa kaniya tayo ay nabubuhay at gumagalaw, at mayroong pagkatao, gaya nga ng sabi ng inyong mga makata, 'Dahil tayo rin ay kaniyang anak.'
29 Being then the offspring of God, we ought not to think that the Divine Nature is like gold, or silver, or stone, engraved by art and design of man.
Dahil tayo ay anak ng Diyos, hindi natin dapat isipin na ang pagkadiyos ay tulad ng ginto o pilak o mga batong nilikha ng kaisipan ng tao.
30 The times of ignorance therefore God overlooked. But now he commands that all people everywhere should repent,
Kaya nga, pinalampas ng Diyos ang panahon na hindi siya kinilala, ngunit ngayon inuutusan niya ang lahat ng mga tao sa lahat ng dako na magsisi.
31 because he has appointed a day in which he will judge the world in righteousness by the man whom he has ordained; of which he has given assurance to all men, in that he has raised him from the dead.”
Ito ay dahil itinakda na niya ang araw kung kailan niya hahatulan ang mundo sa katuwiran sa pamamagitan ng taong kaniyang pinili. Pinatunayan ito ng Diyos sa lahat ng tao, sa pamamagitan ng pagbuhay sa kaniya sa mga patay.”
32 Now when they heard of the resurrection of the dead, some mocked; but others said, “We want to hear you again concerning this.”
Ngayon nang marinig ng mga kalalakihan ng Atenas ang tungkol sa muling pagkabuhay sa mga patay, kinutya ng iba si Pablo; ngunit sinabi ng iba, “Pakikinggan ka naming muli tungkol sa mga bagay na ito.”
33 Thus Paul went out from among them.
Pagkatapos niyon, iniwan sila ni Pablo.
34 But certain men joined with him and believed, including Dionysius the Areopagite, and a woman named Damaris, and others with them.
Ngunit may ilang mga lalaking sumama sa kaniya at nanampalataya, kabilang si Dionisio na Areopagita, isang babaing nagngangalang Damaris at iba pang kasama nila.

< Acts 17 >