< 2 Corinthians 9 >

1 It is indeed unnecessary for me to write to you concerning the service to the saints,
Tungkol naman sa ministeryo para sa mga mananampalataya, para sa akin ay kalabisan na ang sumulat pa sa inyo.
2 for I know your readiness, of which I boast on your behalf to those of Macedonia, that Achaia has been prepared for the past year. Your zeal has stirred up very many of them.
Alam ko ang tungkol sa inyong hangarin, na ipinagmalaki ko sa mga taga-Macedonia. Sinabihan ko sila na ang Acaya ay naghahanda na mula pa nang nakalipas na taon. Ang inyong pagiging masigasig ay nag-udyok sa karamihan sa kanila na kumilos.
3 But I have sent the brothers so that our boasting on your behalf may not be in vain in this respect, that, just as I said, you may be prepared,
Ngayon ipinadala ko ang mga kapatid upang ang pagmamalaki namin tungkol sa inyo ay hindi mawalan ng kabuluhan, at upang kayo ay maging handa, gaya ng aking sinabi.
4 lest by any means, if anyone from Macedonia comes there with me and finds you unprepared, we (to say nothing of you) would be disappointed in this confident boasting.
Sa halip, kung sino man sa mga taga-Macedonia ang sumama sa akin at madatnan kayong hindi handa, mapapahiya tayo—wala akong sinabi tungkol sa inyo—dahil sa lubos na tiwala sa inyo.
5 I thought it necessary therefore to entreat the brothers that they would go before to you and arrange ahead of time the generous gift that you promised before, that the same might be ready as a matter of generosity, and not of greediness.
Kaya naisip ko na kinakailangan na himukin ang mga kapatid na pumunta sa inyo at maunang gumawa ng mga kasunduan para sa kaloob na ipinangako ninyo. Ito ay para maging handa bilang isang biyaya, at hindi sapilitan.
6 Remember this: he who sows sparingly will also reap sparingly. He who sows bountifully will also reap bountifully.
Tandaan ninyo ito: kung sino man ang nagtatanim ng kaunti ay mag aani ng kaunti, at kung sino man ang nagtatanim sa layunin ng pagpapala ay aani ng pagpapala.
7 Let each man give according as he has determined in his heart, not grudgingly or under compulsion, for God loves a cheerful giver.
Bawat isa ay magbigay ayon sa pasiya ng kaniyang puso. Huwag siyang hayaang magbigay na may kalungkutan o napilitan. Sapagkat minamahal ng Diyos ang masayang nagbibigay.
8 And God is able to make all grace abound to you, that you, always having all sufficiency in everything, may abound to every good work.
At may kakayahan ang Diyos na paramihin ang bawat pagpapala para sa inyo, upang, palagi, sa lahat ng bagay, magkakaroon kayo ng lahat ng kailangan ninyo. Nang sa gayon maaari kayong gumawa ng mas maraming mabubuting bagay.
9 As it is written, “He has scattered abroad. He has given to the poor. His righteousness remains forever.” (aiōn g165)
Ito ay gaya ng nasusulat: “Ipinamahagi niya ang kaniyang kasaganaan at ibinigay sa mahihirap. Ang kaniyang katuwiran ay magpakailanman.” (aiōn g165)
10 Now may he who supplies seed to the sower and bread for food, supply and multiply your seed for sowing, and increase the fruits of your righteousness,
Ang nagbibigay ng binhi sa nagtatanim at tinapay para sa pagkain, ay magbibigay din at pararamihin ang inyong binhi para sa pagtatanim. Pararamihin niya ang ani ng inyong katuwiran.
11 you being enriched in everything for all generosity, which produces thanksgiving to God through us.
Pasasaganahin niya kayo sa lahat ng paraan upang maging mapagbigay kayo. Magdadala ito ng pasasalamat sa Diyos mula sa amin.
12 For this service of giving that you perform not only makes up for lack among the saints, but abounds also through much giving of thanks to God,
Sapagkat ang pangangasiwa sa gawaing ito ay hindi lang makakatugon sa mga pangangailangan ng mga mananampalataya. Ito rin ay nagpaparami sa maraming gawaing ng pasasalamat sa Diyos.
13 seeing that through the proof given by this service, they glorify God for the obedience of your confession to the Good News of Christ and for the generosity of your contribution to them and to all,
Dahil sa nasubok na kayo at napatunayan ng gawaing ito, luluwalhatiin rin ninyo ang Diyos sa pagsunod sa inyong pagpapahayag sa ebanghelyo ni Cristo. Luluwalhatiin rin ninyo ang Diyos sa kasaganaan ng inyong mayamang handog sa kanila at sa bawat isa.
14 while they themselves also, with supplication on your behalf, yearn for you by reason of the exceeding grace of God in you.
Nananabik sila sa inyo, at ipinapanalangin nila kayo. Ginagawa nila ito dahil sa napaka dakilang biyaya ng Diyos na nasa inyo.
15 Now thanks be to God for his unspeakable gift!
Sa Diyos nawa ang lahat ng pasasalamat sa kaniyang hindi maipaliwanag na kaloob!

< 2 Corinthians 9 >