< Psalms 5 >

1 For the leader: A psalm of David, to be accompanied by the flute. Hear my words, Lord: give heed to my whisper.
Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon, pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay.
2 Attend to my loud cry for help, my king and my God.
Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Hari ko, at Dios ko; sapagka't sa iyo'y dumadalangin ako.
3 When I pray to you, Lord, in the morning, hear my voice. I make ready for you in the morning, and look for a sign.
Oh Panginoon, sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig; sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.
4 For you are no God who takes pleasure in wickedness: no one of evil can be your guest.
Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan: ang masama ay hindi tatahang kasama mo.
5 No braggarts can stand in your presence, you hate all workers of wrong.
Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin: iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan.
6 You destroy all speakers of lies, people of blood and deceit you abhor.
Iyong lilipulin (sila) na nangagsasalita ng mga kabulaanan: kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,
7 But I, through your kindness abundant, may enter your house, and towards the shrine of your temple may reverently bow.
Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.
8 Lead me, Lord, in your righteousness because of my enemies. Make your way level before me.
Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.
9 For their mouth is a stranger to truth, their heart is a pit of destruction. Their throat is a wide open grave, their tongue the smooth tongue of the hypocrite.
Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig; ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan; ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan; sila'y nanganunuya ng kanilang dila.
10 Condemn them, God; let their schemes bring them down to the ground. For their numberless crimes thrust them down for playing the rebel against you.
Bigyan mong sala (sila) Oh Dios; ibuwal mo (sila) sa kanilang sariling mga payo: palayasin mo (sila) sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang; Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo,
11 But let all who take refuge in you ring out their gladness forever. Protect those who love your name, so they may exult in you.
Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, pahiyawin mo nawa (sila) sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang (sila) mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
12 For you give your blessing, Lord, to the godly, and the shield of your favour protects them.
Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid; Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap na gaya ng isang kalasag.

< Psalms 5 >