< ԵՐԿՐՈՐԴ ՏԻՄՈԹԷՈՍ 4 >

1 Ուրեմն կը վկայեմ Աստուծոյ եւ Տէր Յիսուս Քրիստոսի առջեւ, որ պիտի դատէ ողջերն ու մեռելները իր երեւումին եւ թագաւորութեան ատենը.
Ibinibigay ko ang taimtim na kautusang ito sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus, na siyang hahatol sa mga buhay at sa mga patay, at dahil sa kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian.
2 քարոզէ՛ խօսքը, պնդէ՛ ժամանակին թէ անժամանակ, կշտամբէ՛, յանդիմանէ՛, յորդորէ՛ ամբողջ համբերատարութեամբ եւ ուսուցումով:
Ipangaral mo ang Salita. Maging handa kung ito ay napapanahon at kung hindi napapanahon. Pagwikaan, pagsalitaan, at pangaralan mo sila ng may buong pagtitiyaga at pagtuturo.
3 Որովհետեւ պիտի գայ ատենը՝ երբ պիտի չհանդուրժեն ողջամիտ վարդապետութեան. հապա՝ իրենց ականջներուն մարմաջով ու ցանկութիւններուն համաձայն վարդապետներ պիտի կուտակեն իրենց համար.
Sapagkat darating ang panahon kung saan hindi na matitiis ng mga tao ang mga totoong aral. Sa halip, tatambakan nila ang kanilang mga sarili ng mga guro na naayon sa kanilang mga nais. Makikiliti sila sa kanilang pakikinig.
4 իրենց ականջները պիտի դարձնեն ճշմարտութենէն, եւ պիտի խոտորին՝ հետեւելով առասպելներու:
Tatalikod sila sa pakikinig sa katotohanan, at makikinig sila sa mga alamat.
5 Բայց դուն արթո՛ւն եղիր ամէն բանի մէջ, տոկա՛ չարչարանքներու, աւետարանիչի գո՛րծ ըրէ, լմա՛ն կատարէ քու սպասարկութիւնդ.
Ngunit ikaw, maging mahinahon ka sa lahat ng bagay, pagtiisan mo ang paghihirap, gawin mo ang gawain ng isang ebanghelista, tuparin mo ang iyong paglilingkod.
6 որովհետեւ ես արդէն ընծայուած եմ զոհ ըլլալու, եւ իմ մեկնումիս ատենը հասած է:
Sapagkat ako ay ibinubuhos na. Dumating na ang araw ng aking pag-alis.
7 Պայքարեցայ բարի պայքարը, աւարտեցի ընթացքը, պահեցի հաւատքը:
Nakipaglaban ako ng mabuti sa paligsahan, natapos ko ang aking takbuhin, napanatili ko ang pananampalataya.
8 Ասկէ ետք վերապահուած է ինծի արդարութեան պսակը, որ Տէրը՝ արդար Դատաւորը՝ պիտի տայ ինծի այն օրը. եւ ո՛չ միայն ինծի, այլ նաեւ բոլոր անոնց՝ որ կը սիրեն անոր երեւումը:
Ang korona ng katuwiran ay nakalaan na para sa akin, na ibibigay sa akin ng Panginoon, ang matuwid na hukom, sa araw na iyon. At hindi lamang sa akin ngunit sa lahat din ng umiibig sa kaniyang pagpapakita.
9 Ջանա՛ շուտով գալ ինծի.
Gawin mo ang iyong makakaya upang makarating agad sa akin.
10 որովհետեւ Դեմաս լքեց զիս՝ սիրելով այս ներկայ աշխարհը, ու մեկնեցաւ Թեսաղոնիկէ: Կրէսկէս գնաց Գաղատիա, Տիտոս՝ Դաղմատիա. (aiōn g165)
Sapagkat iniwan ako ni Demas. Iniibig niya ang kasalukuyang mundong ito at pumunta sa Tesalonica. Pumunta si Cresente sa Galacia, at pumunta si Tito sa Dalmacia. (aiōn g165)
11 միայն Ղուկաս ինծի հետ է: Ա՛ռ Մարկոսը եւ բե՛ր քեզի հետ, որովհետեւ պիտանի է ինծի՝ սպասարկութեան համար:
Si Lucas lamang ang kasama ko. Dalhin mo si Marcos at isama mo dahil malaki ang naitutulong niya sa akin sa gawain.
12 Տիւքիկոսը ղրկեցի Եփեսոս:
Pinapunta ko si Tiquico sa Efeso.
13 Այն վերարկուն, որ ձգեցի Տրովադա՝ Կարպոսի քով, բե՛ր՝ երբ գաս, նաեւ գիրքերը, մա՛նաւանդ մագաղաթները:
Dalhin mo kapag pupunta ka dito ang balabal na iniwan ko sa Troas kasama si Carpus at ang mga aklat, lalo na ang mga sulatan.
14 Դարբին Աղեքսանդրոսը շատ չարիք ըրաւ ինծի. Տէ՛րը անոր հատուցանէ իր արարքներուն համեմատ:
Si Alejandro na panday ay nagpakita ng maraming masasamang gawa laban sa akin. Ang Panginoon ang maniningil sa kaniya ayon sa kaniyang mga gawa.
15 Դո՛ւն ալ զգուշացիր անկէ, որովհետեւ մեծապէս ընդդիմացաւ մեր խօսքերուն:
Bantayan mo din ang iyong sarili laban sa kaniya, sapagkat labis niyang sinasalungat ang ating mga salita.
16 Առաջին անգամ, երբ դատարանին առջեւ կը ջատագովէի զիս, ո՛չ մէկը եկաւ հետս, հապա բոլո՛րն ալ լքեցին զիս. ատիկա յանցանք թող չվերագրուի իրենց:
Sa una kong pagtatanggol ay walang nanatili sa akin. Sa halip, iniwan ako ng lahat. Hindi sana ito maibilang laban sa kanila.
17 Սակայն Տէ՛րը կայնեցաւ քովս ու զօրացուց զիս, որպէսզի քարոզութիւնը լման ըլլայ իմ միջոցովս եւ բոլոր հեթանոսները լսեն, ու ես ազատեցայ առիւծին երախէն:
Ngunit nanatili ang Panginoon sa akin at ako ay pinalakas upang sa pamamagitan ko, ang pagpapahayag ay ganap na matupad at upang marinig ng lahat ng mga Gentil. Sinagip ako mula sa bibig ng leon.
18 Տէրը պիտի ազատէ զիս ամէն չար գործէ, եւ պիտի փրկէ՝ իր երկնային թագաւորութեան հասցնելով: Իրեն փա՜ռք դարէ դար՝՝: Ամէն: (aiōn g165)
Sasagipin ako ng Panginoon sa bawat masasamang gawa at ililigtas ako para sa kaniyang kaharian sa langit. Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. (aiōn g165)
19 Բարեւէ՛ Պրիսկէն եւ Ակիւղասը, ու Ոնեսիփորոսի ընտանիքը:
Batiin mo si Priscila, si Aquila at ang sambahayan ni Onesiforo.
20 Երաստոս մնաց Կորնթոս, իսկ Տրոփիմոսը ձգեցի Միլետոս՝ հիւանդացած:
Nanatili si Erasto sa Corinto ngunit iniwan ko si Tropimo na may sakit sa Mileto.
21 Ջանա՛ ձմեռէն առաջ գալ: Եւբուղոս, Պուդէս, Լինոս, Կղօդիա ու բոլոր եղբայրները կը բարեւեն քեզ:
Gawin mo ang iyong makakaya na makarating bago ang taglamig. Binabati kayo ni Eubulo, gayundin si Pudente, Lino, Claudia at lahat ng mga kapatid.
22 Տէր Յիսուս Քրիստոս քու հոգիիդ հետ: Շնորհքը ձեզի հետ: Ամէն:
Sumainyo nawa ang Panginoon sa Espiritu. Ang biyaya nawa ay sumainyo.

< ԵՐԿՐՈՐԴ ՏԻՄՈԹԷՈՍ 4 >