< ԵՐԿՐՈՐԴ ՏԻՄՈԹԷՈՍ 3 >

1 Գիտցի՛ր թէ վերջին օրերը դաժան ժամանակներ պիտի գան.
Ngunit alamin ito: na sa mga huling araw ay magkakaroon ng kahirapan.
2 որովհետեւ մարդիկ պիտի ըլլան անձնասէր, արծաթասէր, պոռոտախօս, ամբարտաւան, հայհոյիչ, ծնողներու անհնազանդ, ապերախտ, անսուրբ,
Sapagkat ang mga tao ay magiging makasarili, maibigin sa pera, mayabang, hambog, mga lapastangan, suwail sa mga magulang, walang utang na loob, at hindi banal.
3 անգութ, անհաշտ, չարախօս, անժուժկալ, դաժանաբարոյ, բարին չսիրող,
Sila ay mawawalan ng likas na pag-ibig, hindi mapayapa, mga mapanira, walang pagpipigil sa sarili, marahas, hindi maibigin sa mabuti.
4 մատնիչ, յանդուգն, հպարտ, աւելի հաճոյասէր քան աստուածասէր:
Sila ay magiging mga taksil, matigas ang ulo, palalo, maibigin sa kalayawan sa halip na maibigin sa Diyos.
5 Անոնք ունին բարեպաշտութեան դրսերեւոյթը, բայց ուրացած են անոր զօրութիւնը: Դուն հեռացի՛ր անոնցմէ.
Magkukunwari silang mga maka-diyos ngunit itatanggi nila ang kapangyarihan nito. Layuan mo ang mga taong ito.
6 որովհետեւ ասոնցմէ՛ են անոնք՝ որ կը մտնեն տուներէն ներս, եւ կը գերեվարեն մեղքով բեռնաւորուած տկարամիտ կիները՝ զանազան ցանկութիւններէ դրդուած,
Sapagkat ilan sa kanila ay pumapasok sa mga bahay at nang-aakit ng mga mangmang na babae. Ang mga babaeng ito ay patong-patong ang mga kasalanan at natatangay ng iba't-ibang pagnanasa.
7 որոնք միշտ կը սորվին բայց բնաւ չեն կրնար հասնիլ ճշմարտութեան գիտակցութեան:
Ang mga babaeng ito ay palaging nag-aaral, ngunit kahit kailan wala silang kakayahang magkaroon ng pang-unawa sa katotohanan.
8 Հապա, ինչպէս Յանէս ու Յամրէս ընդդիմացան Մովսէսի, նոյնպէս ասոնք ալ կ՚ընդդիմանան ճշմարտութեան: Միտքով ապականած մարդիկ, որ խոտելի են հաւատքի մէջ.
Sa ganoon ding paraan na tulad ni Janes at Jambres na sumalungat kay Moises. Sa paraang ito ang mga bulaang tagapagturo ay sumalungat din sa katototohanan. Sila ang mga kalalakihan na nasira ang kaisipan, hindi sang-ayon sa pananampalataya.
9 բայց աւելի պիտի չյառաջդիմեն, որովհետեւ իրենց անմտութիւնը բացայայտ պիտի ըլլայ բոլորին, ինչպէս եղաւ անոնց երկուքինը:
Ngunit hindi sila uunlad. Sapagkat mahahayag ang kanilang kahangalan sa lahat, tulad ng mga kalalakihang ito.
10 Իսկ դուն հետեւեցար իմ վարդապետութեանս, ապրելակերպիս, առաջադրութեանս, հաւատքիս, համբերատարութեանս, սիրոյս, համբերութեանս,
Ngunit para sa iyo, sinunod mo ang aking mga katuruan, pag-uugali, layunin, pananampalataya, mahabang pagtitiis, pag-ibig, pagtitiyaga,
11 հալածանքներուս եւ չարչարանքներուս, որոնք պատահեցան ինծի Անտիոքի, Իկոնիոնի ու Լիւստրայի մէջ: Ի՜նչ հալածանքներ կրեցի. բայց Տէրը ազատեց զիս բոլորէն:
pag-uusig, pagtitiis, at kung ano ang nangyari sa akin sa Antioquia, Iconio, at Listra. Tiniis ko ang mga pag-uusig. Sa lahat ng mga ito, ay sinagip ako ng Panginoon.
12 Եւ բոլոր անոնք՝ որ կ՚ուզեն բարեպաշտութեամբ ապրիլ Քրիստոս Յիսուսով, պիտի հալածուին:
Ang lahat ng gustong mamuhay ng matuwid kay Cristo Jesus ay uusigin.
13 Բայց չար ու զեղծարար մարդիկ աւելի՛ պիտի յառաջանան չարութեան մէջ՝ մոլորեցնելով եւ մոլորելով:
Ang masasamang tao at ang mga mapagpanggap ay mas lalong lalala. Ililigaw nila ang iba. Sila mismo ay maililigaw.
14 Սակայն դուն հաստա՛տ կեցիր այն բաներուն մէջ՝ որ սորվեցար ու որոնց հաւատացիր, որովհետեւ գիտես թէ որմէ՛ սորվեցար:
Ngunit para sa iyo, manatili ka sa mga bagay na iyong natutunan at matibay mong pinaniniwalaan. Alam mo kung kanino ka natuto.
15 Նաեւ մանկութենէդ ի վեր գիտես Սուրբ Գիրքերը, որոնք կրնան իմաստուն ընել քեզ՝ փրկուելու Քրիստոս Յիսուսի վրայ եղած հաւատքով:
Alam mo na mula sa iyong kabataan nalaman mo na ang sagradong kasulatan. Ang mga ito ang nagbibigay karunungan sa iyo para sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
16 Ամբողջ Գիրքը աստուածաշունչ է, եւ օգտակար՝ սորվեցնելու, կշտամբելու, ուղղելու եւ արդարութեան մէջ կրթելու համար.
Lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos. Ito ay mapapakinabangan sa pangangaral, sa pagsaway, pagtatama sa mali, at pagsasanay sa katuwiran.
17 որպէսզի Աստուծոյ մարդը ըլլայ կատարեալ, պատրաստուած ամէն բարի գործի համար:
Ito ay upang ang lingkod ng Diyos ay magkaroon ng kakayahan, at mabigyan ng kasangkapan sa lahat ng mabuting gawa.

< ԵՐԿՐՈՐԴ ՏԻՄՈԹԷՈՍ 3 >