< اَلْمَزَامِيرُ 54 >

لِإِمَامِ ٱلْمُغَنِّينَ عَلَى «ذَوَاتِ ٱلْأَوْتَارِ». قَصِيدَةٌ لِدَاوُدَ عِنْدَمَا أَتَى ٱلزِّيفِيُّونَ وَقَالُوا لِشَاوُلَ: «أَلَيْسَ دَاوُدُ مُخْتَبِئًا عِنْدَنَا؟». اَللَّهُمَّ، بِٱسْمِكَ خَلِّصْنِي، وَبِقُوَّتِكَ ٱحْكُمْ لِي. ١ 1
Iligtas mo ako, O Diyos, sa pamamagitan ng iyong pangalan, at sa iyong kalakasan, hatulan mo ako.
ٱسْمَعْ يَا ٱللهُ صَلَاتِي. ٱصْغَ إِلَى كَلَامِ فَمِي. ٢ 2
Pakinggan mo ang aking panalangin, O Diyos; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.
لِأَنَّ غُرَبَاءَ قَدْ قَامُوا عَلَيَّ، وَعُتَاةً طَلَبُوا نَفْسِي. لَمْ يَجْعَلُوا ٱللهَ أَمَامَهُمْ. سِلَاهْ. ٣ 3
Dahil ang mga dayuhan ay naghimagsik laban sa akin, at ang mga walang awang mga lalaki ay pinagtangkaan ang aking buhay; hindi nila itinakda ang Diyos sa kanilang harapan. (Selah)
هُوَذَا ٱللهُ مُعِينٌ لِي. ٱلرَّبُّ بَيْنَ عَاضِدِي نَفْسِي. ٤ 4
Masdan mo, ang Diyos ang tumutulong sa akin; ang Panginoon ang siyang nagtataas sa akin.
يَرْجِعُ ٱلشَّرُّ عَلَى أَعْدَائِي. بِحَقِّكَ أَفْنِهِمْ. ٥ 5
Ibabalik niya sa aking mga kaaway ang kasamaan; sa iyong katapatan, wasakin mo (sila)
أَذْبَحُ لَكَ مُنْتَدِبًا. أَحْمَدُ ٱسْمَكَ يَارَبُّ لِأَنَّهُ صَالِحٌ. ٦ 6
Mag-aalay ako ng kusang-loob na handog; ako ay magbibigay pasasalamat sa iyong pangalan, Yahweh, dahil ito ay mabuti.
لِأَنَّهُ مِنْ كُلِّ ضِيْقٍ نَجَّانِي، وَبِأَعْدَائِي رَأَتْ عَيْنِي. ٧ 7
Dahil siya ang sumagip sa akin mula sa bawat kaguluhan; ang aking mata ay nakatingin ng matagumpay laban sa aking mga kaaway.

< اَلْمَزَامِيرُ 54 >