< Fjalët e urta 28 >

1 I pabesi ikën me vrap edhe në se askush nuk e ndjek, por i drejti është i sigurt si një luan.
Ang masama ay tumatakas ng walang taong humahabol: nguni't ang matuwid ay matapang na parang leon.
2 Për shkak të mëkatit të një vendi, shumë janë të parët e tij, por me një njeri me mend që ka dituri qëndrueshmëria e tij vazhdon gjatë.
Dahil sa pagsalangsang ng lupain ay marami ang kaniyang mga pangulo: nguni't sa naguunawa at matalino ay malalaon ang kalagayan niya.
3 Një i varfër që shtyp të mjerët është si një shi me shtamba që nuk jep bukë.
Ang mapagkailangan na pumipighati sa dukha ay parang bugso ng ulan na hindi nagiiwan ng pagkain.
4 Ata që braktisin ligjin lëvdojnë të pabesët; por ata që zbatojnë ligjin i luftojnë ata.
Silang nangagpapabaya sa kautusan ay nagsisipuri sa masama: nguni't ang nangagiingat ng kautusan ay nangakikipagkaalit sa kanila.
5 Njerëzit e këqij nuk e kuptojnë drejtësinë, por ata që e kërkojnë Zotin kuptojnë çdo gjë.
Ang masasamang tao ay hindi nangakakaunawa ng kahatulan: nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay nangakakaunawa sa lahat ng mga bagay.
6 Më i mirë është i varfëri që ecën në ndershmëri nga njeriu i paqëndrueshëm që ndjek rrugën dredha-dredha, edhe kur është i pasur.
Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, kay sa suwail sa kaniyang mga lakad, bagaman siya'y mayaman.
7 Kush zbaton ligjin është një bir me mend, por shoku i grykësve turpëron atin e tij.
Sinomang nagiingat ng kautusan ay pantas na anak: nguni't siyang kasama ng mga matakaw ay nagbibigay kahihiyan sa kaniyang ama.
8 Kush i shton pasuritë e tij me fajde dhe me fitime të padrejta, i mbledh për atë që i vjen keq për të varfërit.
Ang nagpapalago ng kaniyang yaman sa tubo at pakinabang, ay pumipisan sa ganang may awa sa dukha.
9 Në rast se dikush e kthen veshin gjetiu për të mos dëgjuar ligjin, vetë lutja e tij do të jetë një gjë e neveritshme.
Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan, maging ang kaniyang dalangin ay karumaldumal.
10 Kush i fut njerëzit e drejtë në një rrugë të keqe, do të bjerë vetë në gropën e tij; por njerëzit e ndershëm do të trashëgojnë të mirën.
Sinomang nagliligaw sa matuwid sa masamang daan, siya'y mahuhulog sa kaniyang sariling lungaw: nguni't ang sakdal ay magmamana ng mabuti.
11 I pasuri mendon se është i matur, por i varfëri që është i zgjuar e kqyr fund e krye.
Ang mayaman ay pantas sa ganang kaniyang sarili; nguni't ang dukha na naguunawa ay sumisiyasat.
12 Kur të drejtët triumfojnë, ka lavdi të madhe, por kur mbizotërojnë të pabesët njerëzit fshihen.
Pagka ang matuwid ay nagtatagumpay, may dakilang kaluwalhatian: nguni't pagka ang masama ay bumabangon, nagsisipagtago ang mga tao.
13 Kush i fsheh shkeljet e tij nuk do të ketë mbarësi; por ai që i rrëfen dhe i braktis ato, ka për të fituar mëshirën.
Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.
14 Lum ai njeri që ka frikë vazhdimisht nga Zoti, por ai që e fortëson zemrën e tij do të bjerë në fatkeqësi.
Masaya ang tao na natatakot na lagi: nguni't siyang nagmamatigas ng kaniyang kalooban ay mahuhulog sa kahirapan.
15 Një i pabesë që sundon mbi një popull të varfër është si një luan që ulërin dhe një ari i uritur.
Kung paano ang umuungal na leon at ang gutom na oso, gayon ang masamang pinuno sa maralitang bayan.
16 Një princ pa mend zhvat shumë, por ai që urren fitimin e pandershëm ka për t’i zgjatur ditët e tij.
Ang pangulo na kulang sa paguunawa ay lubhang mamimighati rin: nguni't siyang nagtatanim sa kasakiman ay dadami ang kaniyang mga kaarawan.
17 Njeriu mbi të cilin rëndon një vrasje do të turret deri në varr; asnjë të mos e ndihmojë!
Ang tao na nagpapasan ng dugo ng sinomang tao, tatakas sa lungaw; huwag siyang pigilin ng sinoman.
18 Ai që ecën me ndershmëri do të shpëtohet, por njeriu i paqëndrueshëm që ndjek rrugë dredha-dredha do të rrëzohet befas.
Ang lumalakad ng matuwid ay maliligtas: nguni't siyang masama sa kaniyang mga lakad ay mabubuwal na bigla.
19 Kush punon tokën e tij do të ketë bukë me bollëk, por kush jepet pas kotësive do të ketë varfëri të madhe.
Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa mga walang kabuluhang tao ay madudukhang mainam.
20 Njeriu besnik do të mbushet me bekime, por ai që nxiton të pasurohet nuk do të jetë pa faj.
Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala: nguni't siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan.
21 Nuk është mirë të kesh preferenca vetiake; njeriu kryen mëkat për një copë bukë.
Magkaroon ng pagtatangi sa mga pagkatao ay hindi mabuti: ni hindi man sasalangsang ang tao dahil sa isang putol na tinapay.
22 Njeriu me sy të keq dëshiron të pasurohet shpejt, por nuk e kupton se do ta pllakosë varfëria.
Siyang may masamang mata ay nagmamadali sa pagyaman, at hindi nakakaalam, na kasalatan ay darating sa kaniya.
23 Kush qorton dikë ka për të gjetur pastaj favor më të madh se ai që i bën lajka me fjalë.
Siyang sumasaway sa isang tao ay makakasumpong sa ibang araw ng higit na lingap kay sa doon sa kunwa'y pumupuri ng dila.
24 Kush vjedh atin e tij dhe nënën e tij dhe thotë: “Nuk është mëkat”, është shok i atij që shkatërron.
Ang nagnanakaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, at nagsasabi, hindi ito pagsalangsang; Yao'y kasama rin ng maninira.
25 Kush e ka zemrën të fryrë nga krenaria nxit grindje, por ai që ka besim te Zoti do të ketë mbarësi.
Siyang may sakim na diwa ay humihila ng kaalitan: nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay tataba.
26 Kush i beson zemrës së tij është budalla, por ai që ecën me urtësi do të shpëtojë.
Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang: nguni't ang lumakad na may kapantasan, ay maliligtas.
27 Ai që i jep të varfërit nuk do të ketë kurrë nevojë, por ai që i mbyll sytë e vet do të ketë shumë mallkime.
Siyang nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat: nguni't siyang nagkukubli ng kaniyang mga mata ay magkakaroon ng maraming sumpa.
28 Kur të pabesët lartohen, njerëzit fshihen; por kur vdesin, të drejtët shumohen.
Pagka ang masama ay bumabangon, nagsisipagkubli ang mga tao; nguni't pagka sila'y nangamamatay, dumadami ang matuwid.

< Fjalët e urta 28 >