< Mga Awit 134 >

1 Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon. Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon. 2 Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario, at purihin ninyo ang Panginoon. 3 Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion; sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.

< Mga Awit 134 >